Gab's POV:
"How are you?" Muntik na akong mapahiyaw nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Agad ko naman itong nilingon.
"Vince?!" Nanlalaki ang mga matang sambit ko sa pangalan nya.
"Nakailang katok na ako pero hindi mo ata ito naririnig, then hindi naman naka-lock yung pinto kaya pumasok na ako."
Kasalukuyan akong nakatayo sa bukana papuntang terrace.
"Are you ok? Mukhang malalim ang iniisip natin ah" then he walked close to me.
"I'm good, medyo napagod lang. Bakit mo naisipang sumunod dito? Tsaka buti hindi ka nahirapang tuntunin ang lugar na ito." pagdadahilan ko, pero ang totoo may bagay na gumugulo sa isipan ko.
"Ganoon ba? Yayayain sana kitang maglibot dito sa Villa. Anyways regarding sa tanong mo minsan na akong nakapunta sa lugar na ito, dito sa Villa na ito."
"Talaga? Kailan?" Tanong ko.
"Matagal na Gab"
"Wait, kumain kanaba? You want me to get you some food?" Baka nagutom na ito sa tagal ng byahe papunta dito.
"No..no Gab, busog ako hindi ako nagugutom."nakangiting tanggi nya. Bigla nyang kinuha ang magkabila kong kamay at pareha itong hinalikan. "Namiss kita, sobra." May sinseridad sa mga matang sambit nya. I just smiled.
Nanatili lang kami sa may terrace at magdamag na nagkwentuhan sa ilang araw na hindi namin pagkikita. At sinabi rin nya na sasamahan nya raw muna ako dito dahil nakaleave sya sa trabaho at gusto nyang makapagpahinga kahit papano. May pagkakataon na hindi ko matagalan ang mga titig na binibigay nya sakin. Para akong naguguilty.
"Dito na tayo magdinner, magpapakuha nalang ako ng pagkain sa baba" medyo nakaramdam na ako ng gutom sa dami ng pinagkwentuhan namin. Akala mo isang taon na hindi nagkita.
"Sa baba na tayo kumain, para makilala ko naman yung mga staff nyo." Pagsalungat nya.
"Pero Vince mas maganda kung dito nalang."
"No Gab, doon na tayo sa baba baka isipin din nila VIP ako." Hindi na ako nakasagot dahil hinawakan nya na ako sa kamay at hinila palabas ng kwarto.
Kasalukuyan na silang kumakain nang maabutan namin sila. Tila huminto ang lahat sa pagkain nang bigla kaming sumulpot mula sa kung saan.
"Ms. Swane kain na po tayo" aya sakin ng isa sa mga staff ng S&L Pub.
"S-sige Cathy, thanks."
Napadako ang paningin ko kay Tyron, at kitang kita ko ang pagtiim ng kanyang bagang habang nakatingin sa kamay ko na hawak ni Vince. Ngalingali ko itong hilahin ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak sakin. Laking pasasalamat ko na natapos ng mapayapa ang hapunan na iyon. Hindi lingid na may nabubuong tensyon sa pagitan ng dalawa.
Palabas na kaming lahat ng dining area ng lumapit ang staff ng villa na si Jona at kinausap si Vince.
"Sir, ituturo ko na po sa inyo ang magiging kwarto mo" magalang na pahayag nito.
"No need." Aniya.
"Uuwi ka rin ba mamaya?" Tanong ko sakanya, bahagya naman syang umiling "San ka matutulog? Bawal sa living room Vince" bulong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...