Gab's POV:
Mahigit isang buwan na mula ng bumalik ako galing sa Villa Elice.
Noong gabing nagusap kami ni Vince iyon na ang huling pag-uusap namin ng masinsinan nagpaalam na sya sakin kinabukasan na babalik na raw sya sa states para asikasuhin yung tinatayong branch ng Montero Group na nakabase doon.
Kinuha ko yung telepono ko na nakapatong sa ibabaw ng table ko. Hindi pa sya nagpaparamdam even a single call nor short text message wala, marahil busy na talaga sya sa states....ayokong isipin na dahil sa huling pinag-usapan namin ang dahilan kung bakit hindi man lang sya nangangamusta sakin. Napasandal nalang ako sa swivel chair then i took a deep breath.
*knock knock*
"Come in" Pumasok naman agad si Yza.
"Nasa labas po si Mrs. Legaspi and she wanted to see you Ms" she said. Saglit naman akong natigilan its been a long time nang huli ko syang makita.
"Sige papasukin mo sya"
"Yes Ms."
Agad kong iniligpit yung mga documents na nasa ibabaw ng table ko then i fixed myself. Agad akong tumayo nang bumukas ulit ang pinto at tuluyan nang nakapasok si tita flor sa loob ng opisina ko.
"Hija...." aniya habang inaabot nya ako para yakapin, tinanggap ko naman ito.
"Mrs Legaspi" then i smiled.
"Napakapormal mo naman hija" aniya na parang may pagkadismaya. Napalitan ang pagkakangiti ko ng pag-aalangan tila napansin nya iyon, hinawakan nya ako sa kamay. "You can still call me 'tita' hija" then she smiled.
"Ok po, tita" i said smiling at her.
"Good" hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko, iginiya nya ako papunta sa may sofa. "Hija, i came here to personally invite you."
"Saan po tita?"
"This coming saturday will be my mothers' birthday celebration, sana makapunta kayo ni Tyron...si Vince kasi ay hindi maiwan ang trabaho sa States kaya kayo ni Tyron ang inaasahan ko na makakapunta."
Bigla akong naalarma.... Kung pupunta si Tyron sa birthday ng lola nya, maaari kaming magkita sa event na iyon.
"Naku tita, hindi ko pa po kasi nakikita yung schedules ko para sa darating na sabdo." agad na pagdadahilan ko, mahigit isang buwan na rin ng huli kong nakita si Tyron, mas nauna akong umalis sakanila sa Villa...tanging sya at ang mga staff ang naiwan doon. Rumehistro naman sa anyo ni tita ang pagkalungkot.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita hija, sana nama'y mapagbigyan mo ako" malungkot na ngumiti ito. Nakaramdam naman ako ng pagkaguilty.
"Don't worry tita, i will try... Kung hindi naman urgent ang schedule ko on saturday, darating po ako."
"Salamat hija..." then she embraced me again.
"No worries tita, ahm... Tita saan po pala yung magiging venue?"
"About that" then she paused tila nag-isip.."si Tyron na ang bahala."
Hindi na ako nakapagsalita dahil nagpaalam na sya sakin. Inihatid ko naman sya hanggang sa labas ng opisina ko.
"Hija" Hinawakan nya ulit ako sa dalawang kamay.
"Yes tita"
"I want you to know that i am truly grateful dahil nakita na ulit kita." then again she embraced me.
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...