Chapter 50 : Stargazers

196 4 0
                                    

Papasok palang ako ng building nang mapansin ko ang nakaparadang service ng flower shop ng kaibigan ko. Nicole's Sweet Stems ang pangalan ng Flower shop nito at kilalang kilala na ngayon sa buong Pilipinas. Hindi ko pa pala nakakamusta ang mga kaibigan ko mula ng bumalik ako dito, pagnagka-free time ako yayayain ko silang tatlo para  lumabas…kaming apat, kami ng mga matatalik kong kaibigan.

Naghihintay na ako ng pagbaba ng elevator nang biglang bumukas at iniluwa ng pinto ang pamilyar na lalaking nakangiti nang makita ako.

"Good morning Mrs. Legaspi" bati nya sakin. Mrs. Legaspi? Awtomatik na napataas ang kilay ko sa narinig. "Ako po si Mr. Perez, assistant po ako ng asawa mo Ma'am." Pagpapakilala nya, napansin nya yatang Hindi ko sya matandaan. "Mauuna na po ako ma'am, magandang umaga po ulit." Paalam nya at dire-diretsong naglakad palabas ng building.

Assistant ni Tyron? Oh yeah, naalala ko na. Anong ginagawa nun dito?

Papalapit palang ako sa pinto ng opisina ko ay nakita ko na ang maganda at malawak na pagkakangiti ng sekretarya Kong si Yza. Lagi naman syang nakangiti pero iba itong umaga na ito.

"Good morning Ms." bati nya nang makalapit na ako.

"Good morning Yza." Tipid at nakangiti rin na bati ko.

Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan nang maluwag ang pinto ng opisina ko ay sumalubong na agad sakin ang iba't-ibang klase na amoy ng bulaklak. Kaya agad kong binuksan ng malaki ang pinto at tama nga ang naamoy ko. There….

Different kind of flowers pero mas marami ang stargazers, isa sa pinakapaborito kong bulaklak, ang bulaklak na hawak-hawak ko noong kinasal kami ni Tyron.

Kulay white ang mga stargazers na nandito at nakalagay sa magaganda at mamahaling vase. May mga red, pink and white roses din.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa table ko at nakita ko doon ang isang bouquet of pink stargazer flowers na may kahalong mga rosas. Dinampot ko iyon at inamoy.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga nakikita. Biglang nag-ring ang telepono na nasa loob ng bag ko.

*unknown calling….*

"Hello?" Nakakunot ang noong sagot ko.

"You're smiling wife, d'you love it?" Matigas na ingles na sagot nya sa kabilang linya.

"T-tyron?"

"Yes wife"

"How did y--" Agad akong luminga sa paligid ng opisina ko. Baka nandito sya sa loob? Or nakasilip sa pinto?

"Stop searching for me, I'm not in there." Natatawang turan nya sa kabilang linya. Eh paano nya nalalaman ang mga ginagawa ko?

"Are you watching me right now Mr. Legaspi? Are you making fun at me?" Naiinis na husga ko sakanya.

"Yes I'm watching you right now Mrs. Legaspi and No, I'm not making fun at you." Aniyang may diin sa salitang Mrs. Legaspi. "I'm afraid but i have to end this call wife, I just wanna know if I made your day for that simple surprised. I love you, bye."

Nasa tenga ko pa rin ang telepono ko kahit naibaba nya na ang tawag. Nanatili pa rin akong nakatitig sa hawak kong bouquet. Nang nakabawi na ako mula sa tawag na iyon ay natuon ang atensyon ko sa medyo may kalakihang card na nakaipit sa bulaklak. Binuksan ko ito at binasa.

'White stargazers symbolizes purity. Pink stargazers symbolize romance. Stargazers of both colors are used to send apologies or to express gratitude.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon