Gab's POV:
Pababa na sana ako ng kotse ko ng mapansin kong nasa unahan ko at mabilis na umikot papunta sa labas ng pinto ng passenger seat ng kotse nya si Tyron at inalalayang bumaba palabas si Lorry. Napagdesisyonan kong hintayin nalang silang makapasok sa loob ng building.
"Wait, bakit ka iiwas sakanila? Ano ka ba naman Gab!!" Usap ko sa sarili ko….
=_____=
Baliw na ata ako.
Nakatayo pa rin sila doon ng makita kong papalapit na dito sa kotse ko yung isang guard.
Ok….
No choice, but i have to go out from my car.
"Goodmorning Ma'am" magiliw na bati sakin ni manong guard.
"Goodmorning" then inabot ko na sakanya yung susi ng kotse ko.
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay napabaling ko sa direksyon nila ang paningin ko. At saktong nakatingin sakin si Tyron habang inaayos ni Lorry yung necktie nya. Mabilis akong umiwas at nag-umpisang maglakad papasok ng building.
"Bakla!!!! Eto na!!! Eto na….!" Dali dali syang lumapit sa table ko at inabot sakin yung hawak nyang magazine. "Ang ganda!!!!"
Napangiti nalang ako ng makita ko ang cover ng magazine na hawak nya.
Ako ang nasa cover ng magazine na iyon. Napublish na ang Big project ng S&L Publication.
"Mamaya, aayusin na ni Yza yung schedule for interview…."
"Interview?"
"Yes na Oo bakla, an interview…. Maraming gustong makausap ka, isa na sa mga gustong malaman ng madla ay ang naging buhay mo sa New York at ang pagbabalik mo ngayon dito sa Pinas…"
"Anong kinalaman ng buhay ko sa lingerie na mimodel ko?" Nakataas ang kilay na tanong.
"Dahil anak ka ni Mr. Alfred Swane, at ikaw lang ang may karapatang magsuot ng mamahaling lingerie na pinag-uusapan ngayon ng mundo."
"Ok" binalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga documents na nasa ibabaw ng table ko.
"And be ready for some further questions." Pahabol nya. Napaangat na naman ako ng tingin sakanya.
"Further questions?" Ulit ko sa huling sinabi nya. Tumango naman sya bilang sagot. "Ok" Kung ano man yung mga tanong na yun wala na akong pakialam. Wala naman silang makukuhang issue sakin =_____=
Biglang tumunog yung telephone,
"Yes?"
"Ms. Swane, someones looking for you. Ayaw nya pong tumigil, hindi raw po sya aalis hangga't hindi ka raw po nya nakikita."
"Sige, hwag mo muna syang papapasukin. Let me go there and see that person." Tapos binaba ko na yung telephone.
"Who's that?"
"Wait lang Dan, mamaya na tayo mag-usap lalabas lang ako."
"Alright, sabay na tayo."
Naglakad na ako patungo sa pinto.
"Sir please calm down. Wala po ang pangalan nyo sa mga nakaschedule na may meeting kay Ms. Swane." Narinig kong pakiusap ni Yza
"I don't f*cking care!! I wanted to see Brielle right here right now!!" He shouted at my secretary. Yan ang naabutan kong eksena sa labas ng opisina ko.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...