Chapter 6 : Stranger

794 18 1
                                    

Gab's POV: 

Anong oras na ba? hanggang ngayon wala pa din ang magaling kong fiancé. Alam kong bago ngayon ito kase ngayon ko lang sya hinintay dito sa sala, gusto ko syang kausapin. Naiinis talaga ako sakanya! Sana naman nag-iisip sya diba? paano nalang kung may makakita sa ginagawa nyang kalandian? pano kung makarating ito kay daddy? ako ang lalabas na kaawa-awa. Ano nalang ang iisipin ni dad? Nakakainis talaga yung hambog na iyon! bakit ba hindi nalang sya manahimi--- 

"bakit nandito kapa,diba dapat nagkukulong kana sa kwarto mo" cold na sabi nya, hindi ko na naramdaman na nakapasok na pala sya. 

"is that a question or a statement?" mataray na tanong ko sabay tayo mula sa pagkakaupo dito sa sofa. 

"ano bang kailangan mo Ms. Swane?" seryosong tanong nya. 

"ikaw"

"ako? bakit ako? sorry pero hindi kita papatula--" naiiling na sabi nya.

"cut that bullsh*t Mr. Legaspi" i gritted, agad naman syang bumalik sa pagiging seryoso. 

"then spill it out Ms.Swane, gusto ko ng magpahinga" lumapit sya at umupo sa katapat ng sofa na inuupuan ko kanina. Nanatili pa din ako sa pagkakatayo. 

"Alam kong nag-usap na tayo, pero nakalimutan ata nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na nakita ko kanina" 

"Kung ano man ang nakita mo kanina" he paused, tapos tiningnan nya ako ng diretso sa mata. "wala ka ng pakialam dun Ms.Swane" he continued. 

"kung ano man ang nakita ko kanina Mr. Legaspi, we can consider it as your demerit" 

"Look" sabay hilamos ng dalawang palad nya sa mukha nya. "hindi kita pinapakialamanan kaya kung pwede shut.the.fvck.up!" mahina pero may diin ang pagkakabigkas nya. 

Hindi ko nagustuhan ang lumabas sa bibig nya kaya nakipag-tagisan ako ng tingin sakanya. Napansin ko na namumula sya, nakainom ata sya kaya ako nalang ang unang nagbaba ng tingin. 

"d*mn you" yan lang ang nasabi ko at dire-diretsong umakyat sa kwarto ko. 

Klaro na sakin, wala palang pakialaman ang gusto nya. Yun din naman kase ang gusto ko, yung kanya-kanya lang kame, walang magbabago sa pamumuhay namin. Ang tanging bago lang ay ang bahay na tinitirahan namin ngayon. Ganito din naman ang buhay ko sa mansyon, may kasama nga pero lage lang akong nagkukulong sa kwarto. 

Napahawak akong bigla sa may dibdib ko,may kirot akong naramdaman dito. Sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ko basta nalang naramdaman ang sakit na ito. Natawa nalang ako ng mapakla. Imposible, imposibleng magkagusto ako sa katulad nya. Sa katulad nyang wala nang ibang ginawa kundi ang iparamdam na isang malaking pagkakamali ang ma-engaged sakin. Pareho lang naman kame ng tingin sa bagay na iyon. Pareho lang din ang gusto namin, yun ay ang hindi madisappoint ang mga tatay namin. Dumapa ako sa kama ko, kailangan kong pag-aralan ang bagay na nararamdaman ko. Tss....pati ba naman sa damdamin kailangan ko pang idaan sa masusing pag-aaral? Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang malakas na paglagabog ng pintuan ng kwarto ni Tyron. That moron,kapal ng mukha. He's so aarrgghh! Naramdaman kong biglang nag-vibrate yung telepono ko 

*Dan bakla Calling...* 

"yes?" walang ganang sagot ko, badtrip at naiinis pa din kase ako hanggang ngayon. 

"nasan ka?" balik tanong nya, napairap naman ako. 

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon