*simply_caution: SPG this…. Please skip nalang ah. Enjoy! >\\.\\< *
Pinalagay at pinapaayos ko sa vase ang dalawang bouquet na binigay sakin ni Tyron, ayaw ko man dahil galing sakanya ay minabuti ko nalang na idisplay dito sa opisina ko tutal paborito ko naman ang mga bulaklak na ito.
"Ahmm excuse me" nalipat mula sa mga bulaklak na inaayos ni Yza papunta sa baklang basta-basta nalang pumapasok sa opisina ko dahil hindi yata ito marunong kumatok.
"Yes sir?" -Yza.
"I just wanna ask, is this the office of the Swane Corp. President?" Ano na naman kayang drama nito this time? Napakalumbaba nalang ako habang pinapanood ang drama ni bakla.
"Yes Sir, this is the office of the President." Natatawang sagot ni Yza.
"Oh great! I knew it! This is the office of Ms. Gabrielle Swane Legaspi. Can I talk to her?"
"Yes of course Sir." Nakangiting sagot ni Yza. Humarap ito sakin at nagpaalam na lalabas na sya. Tapos na rin naman ang ginagawa nyang pag-aayos sa mga bulaklak.
"Anong drama mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko sakanya.
"My Ghad! Pano ba naman kasi pagkapasok ko dito sa opisina mo akala ko may flowershop na dito sa 30th floor!" Histerya niya habang isa isang inaamoy ang mga bulaklak.
"Baka mabahing ka nyan sa ginagawa mo." Natatawang sita ko.
"Hindi naman elle-elle, mababango naman itong mga bulaklak mo. Nice choice." Tukoy nya sa mga bulaklak.
"Hindi ako ang bumili nyan." Pagtatama ko.
"Alam ko bakla, sino ba namang matinong presidente ang gagawing flowershop ang sarili nyang opisina? Take note may love letter pa." Aniya sabay wagayway ng card na nakuha nya dito sa lamesa ko. Nilapag nya rin agad iyon. "So nagkabalikan na kayo? Happily ever after na ba?" Parang kinikilig na sunod-sunod na tanong into.
*knock-knock*
"Come in"
Bumukas ang pinto at pumasok si Yza na may dala dalang bouquet of red roses….
"Ms, pinapabigay raw po ni Mr. Montero." Aniya.
"Where is he?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala po Ms., pinadeliver lang po dito."
"O-ok" tila nadidismayang sagot ko, kala ko pa naman nandito na sya. Sasabihin ko na sana yung balak na pagbabakasyon nila mommy kasama si Venice. Tatawagan ko nalang siguro sya mamaya.
"Kay Sir Vince ba kamo galing?"
"Yes Sir." Tumangong sagot ng sekretarya ko.
"Puno na masyado dito, no space na para dyan. Doon sa table mo nalang idisplay yan Yza or kung nandyan pa yung nagdeliver ipabalik mo nalang sa nagpadeliver." Mataray na utos nito.
"O-ok po Sir." Sagot nito at agad na lumabas ng opisina ko.
"Why so mean Daniela?" Suway ko sakanya. "Ano bang kasalanan sayo ni Vince at ang init ng dugo mo sakanya ngayon?"
"Alam mo ang sagot dyan Gab" Sabay irap nya sakin. "Baka pagnakausap mo sina Nicole at Yzha baka puro mura ang abutin ng pangalan ni Vince once na ma-namedrop sya sa usapan."
"Hindi nya kasalanan kung bakit ako lumayong muli, kahit naman wala si Vince ay ganun pa rin ang gagawin ko…lalayo't lalayo ako dito.The truth is, I owe him big time. Kung hindi nya ako sinamahan, hindi ko alam kung saan ako pupulutin." Naiiling na paliwanag ko sakanya. "Ang hirap malayo sa pamilya lalo na kung ay dinadala ka."
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...