Chapter 40 : Untold Truth

232 9 0
                                    

Third Person's POV:


Pilit na pinipigilan ni Tyron ang kanyang sarili dahil ayaw nyang gumawa ng eksena sa gabing iyon. Parang gusto nyang sugurin yung lalaking tumatawag sa dalaga na 'babe'. Hindi pamilyar sakanya ang mukha nito. Parang kahapon lang ay may dinispatsa syang lalaki na umaaligid aligid din kay Gabrielle at iyon nga ay si Steven Agoncilio tapos ngayong gabi ay may panibago na naman syang liligpitin. Ilang lalaki ba ang pakalat kalat para magpapansin sa dalaga?


He gripped his anger. Lalo ng hawakan at halikan nito sa pisngi ang dalaga. Lalapitan nya na sana ang mga ito para hawakan ang kamay ni Gabrielle pero naunahan na sya ng lalaki at giniya na ang dalaga paakyat sa stage.. Naiwan syang nakatayo doon at sakto namang tinawag din sya sa stage ng daddy ni Gabrielle. Nang matapos na ang speech nya ay bumaba na sya at nagpasyang pumunta sa bar counter na nasa loob.


Nang ipakilala na sya sa lalaking iyon ay hindi nya alam kung maiinis o matatawa ba sya sa sarili nya. Muntik na syang gumawa ng eksena na wala sa dahilan. Kuya pala ng dalaga ang pinagseselosan nya. Si Gaven Swane. Kahit kailan ay hindi nya pa ito nakikita, napakailap kasi nito sa camera. Kahit ang mismong Publication nila ay hindi ito mapapayag na makuhaan ng litrato.


"wife"


"yes Tyron?" kasalukuyan silang nakaupo sa table nila. Kasama nila doon ang mga magulang nya at ang kuya at daddy ni Gabrielle.


"Lets go home..." sabay pungay nya ng mata, nilingon naman ng dalaga ang mga kasama nila sa table pero abala ang mga ito sa pagkukwentuhan.


"maaga pa, gusto mo na bang umuwi?"


"sa bahay natin, i can't wait." then his lips formed into a playful grin. Pinanlakihan sya ng mata ng dalaga binigyan sya nito ng *anokaba look*


"akong bahala" then he winked at her. Tumayo ito at bumulong sa ama ni Gabrielle, tumango tango naman ito. Pagkatapos ay bumaling ito sa mga magulang. "Ma, dad... mauuna na po kami ni Gabrielle.."


"Oh'sya sige hijo, mag-ingat kayo ni Gabrielle." sagot ng ama ni Tyron.


"Dahan dahan sa pagmamaneho hijo." paalala naman ng mama nya..


"Anong sinabi mo kay dad?" tanong ni Gabrielle nang makasakay na sila sa kotse nya.


"sabi ko kailangan na nating gumawa ng magiging apo nila habang hindi pa sila ganoong katanda." seryosong sagot nya habang iniistart nya ang makina.


"Yung seryoso =____=" aniya.


"Yun na nga yun wife, kaya nga tayo pupunta sa dati nating bahay diba?" then he winked.


"Tyron..." she warned him.


"Kidding wife, i just told him na may kailangan ka pang puntahan at ihahatid na kita. Yun lang ang naisip kong dahilan wife -___-"


Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon