Chapter 46 : Lots of Plans

192 8 2
                                    

Sinabi sakanya ni Gaven na ang kapatid nalang nito ang aattend sa fashionshow dahil wala raw itong hilig sa panonood ng ganoong bagay. Kaya naisip nya na ipacancel ang mga lakad nya ng gabing iyon at pinili nyang tumuloy nalang sa pagpunta sa nasabing event ng Swane Fashion.

Bakas sa mukha ng asawa ang gulat nang magtama ang kanilang mga mata, pero sya? Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo nang matagpuan ng mga mata nya ang dalagang busing-busy sa panonood ng fashion show. Hindi nya na nga binigyan ng pansin ang mga modelong naglalakad sa runway. Tanging sa asawang ngayon nya lang ulit nakita natuon ang kanyang atensyon. Wala naman nagbago dito, mas gumanda at sumeksi ito ng sampung beses.

Hindi pa rin makapaniwala sa sarili si Tyron dahil nagawa nyang pigilan ang sarili na sugudin ito ng halik at yakap. Hindi nya rin nagawang habulin at pigilan si Gabrielle at ang pinsan nito na umalis, hindi na tinapos ng mga ito ang programa ng fashion show.

Kailangan nyang makaisip ng paraan kung paano sya mapapalapit sa asawa.

***

"Ma, si dad?" Agad na tanong nya nang makalapit na sya sa mama nya dito sa mansion nila.

"Nasa study room hijo, kanina ka pa nya hinihintay" agad naman syang humalik dito. "Kumain ka na ba?" pahabol pa ng mama nya.

"Hindi pa ma, mamaya nalang po pagkatapos naming mag-usap ni dad."

"Oh'sya sige, pumunta kana sa daddy mo." malumanay na pagtataboy nito sakanya, agad naman syang tumalima.

Kumatok muna sya bago nya pinihit pabukas ang pinto.

"Dad" tawag nya sa atensyon ng ama, abala ito sa pagbabasa ng mga dokumentong nasa ibabaw ng study table nito.

"I've heard bumalik na ang asawa mo anak." sabi nito habang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa. "Any plans?" This time nakatingin na ito sakanya, tila hinihintay ang sagot na gustong gusto nitong marinig.

Ngumiti muna sya bago sumagot.

"Marami dad, marami akong plano. Sa ngayon hindi ko pa alam paano ko uumpisahan ang mga iyon."

"Gawin mo na ang tama anak, hwag mong hahayaan na umiral na naman sayo ang galit." sinserong payo nito sakanya. "Ihanda mo rin ang sarili mo, hindi mo masisiguro na sya pa rin ang dating asawa mo na minahal ka."

Sh*t, those words hit him. Yan ang bagay na kinakatakot nya, ang bagay na ayaw nyang isipin... na maaaring hindi na sya mahal ni Gabrielle.

Gab's POV:

"How's my baby doin'?"

"Good mommy" tipid na sagot nya sa kabilang linya. Dahil simula na ulit ng pagtatrabaho ko as a new president of Swane Corporation ay maya't maya ang ginagawa kong pagtawag kina mommy para hindi ko naman masyadong mamiss ang anak ko. Kanina nga lang, kakadating ko palang dito sa opisina ay gustong gusto ko na agad umuwi kapag naiisip ko si Venice. "Mommy home?"

"Not yet baby, mommy is working." Kahit hindi pa gaano nakakapagsalita ng buo si Venice ay maiintindihan naman ang sinasabi nya. "Did you drink your milk baby? Magbehave ka Kay Lola okey?"

"Yes mommy, Nice behave" tukoy nya sa sarili nya.

"Very good. Can I talk to your lola, baby?"

"Yes mommy, lala mommy talk" rinig kong sabi nya sa Lola nya.

"Hello hija?"

"Mom---"

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon