Chapter 48 : He Want Me Back

155 7 0
                                    

Gab's POV:

Maaga akong pumasok ngayon sa trabaho, maaga rin kasing nagising si Venice. Pagkatapos ko syang paliguan ay sabay na rin kaming nag-aalmusal ng anak ko, hangga't maaari ay gusto kong ako ang mag-aasikaso at mag-aalaga sakanya. If I didn't get any chance doing those things for my baby ay si mommy naman ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa apo nya.

Papasara na sana ang pinto ng elevator nang biglang may kamay na pumigil sa pagsara nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan na syang makapasok sa loob, lalo na nang maamoy ko ang pamilyar nyang pabango. Tulad ng dati ay hindi pa rin pala sya nagpapalit ng pabango, my mind was racing! biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga sandaling pinagsasaluhan naming dalawa, ang mga sandaling nagagawa nyang alisin ang kaluluwa ko sa katawang tao ko dahil sa hindi maipaliwag na sensasyon na pinapadama nya every time we made love. I can still remember and feel how his lips touched mine.

Pilit kong pinipigilan ang magkakahalong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng mga tuhod ko at ang panginginig ng kamao ko dahil sa pagnanais na suntukin ito.

What is he doing here?

Kahit hindi ako nakatingin sakanya alam kong nakatitig lang sya sa akin, kaya parang biglang sumikip ang sinasakyan naming elevator. Sa pagkakatanda ko mas maluwag ang elevator na ito kumpara sa ibang elevator dito sa building namin at sa pagkakaalam ko hanggang 30th floor lang ang building na ito at iyon ang palapag ng opisina ko pero bakit parang anlayo? Nadagdagan ba ang palapag ng building? Diba parang expressway ang elevator na ito dahil ako lang gumagamit? Bakit ang tagal tagal kong makarating sa taas?.

Simple lang naman ang sagot Gab! Kasama mo kasi sya sa napakaliit at apat na sulok ng elevator na ito!

"How are you Gabrielle?" Hindi pa rin ako natinag, I'm still trying my best to ignore him. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sa 30th floor ang elevator.

*ting*

Mabilis akong naglakad palabas ng elevator nang bumukas ang pinto nito.

"Gabrielle…" tawag nya pa sakin, alam nya na siguro na wala akong balak na pansinin sya. "Its been so long" napahinto ako sa paglakad, there's a sound of sadness and longing, wait longing nga ba? Eh kung tadyakan ko kaya sya? Even the sound of his voice made me want to kick and punch him repeatedly.

Yeah its been a long time mula ng hinusgahan nya ako. A time since he choose to believed on his mistress than on his own wife. Unti unti na namang bumabalik lahat ng sakit na dinulot mo sakin Tyron!

Hindi ko alam kung bakit ba ako huminto nang marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. My mind kept shouting at me to walk away and leave him, but there's a part of me want to stay for a little longer. Pinilig ko ang ulo ko, Hindi ito ang tamang oras para pairalin na naman ang katangahan ko.

"I missed you wife" muntik na akong matawa sa narinig ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong lingonin sya. Missed me? Nasisiraan na ba sya? Pagkatapos nyang husgahan ang pagmamahal ko sakanya ng ganun ganun nalang?!

"Naririnig mo ba ang sarili mo Legaspi? You missed me?" I laughed sarcastically. "You've got to be kidding me." Naiiling na dagdag ko. I was amazed by the sounds of my voice. Gusto kong parangalan at palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako pumiyok.

Kitang kita ko ang pagkunot ng noo at ang pagsasalubong ng mga kilay nya.

"Gabrielle, we need to talk."

"Ano pa bang dapat nating pag-usapan? I'll ask my secretary to set us a meeting some other time, I'm too busy right now so please if you----"

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon