Chapter 47 : Maybe

165 8 0
                                    


Bakit ba pakiramdam ko lahat ng taong nakapaligid sakin ngayon ay laging si Tyron nalang ang bukambibig? Napailing nalang ako sa aking isipan. Kahit na may Venice na ako sa buhay ko hindi ko pa rin malilimutan lahat ng nangyari at naranasan ko mula nang minahal ko si Tyron.

Oo tama ang kaibigan ko na binago ko ang sarili ko para lang sa isang tao, ilang beses ba?. Una, binago ko ang sarili ko, pinapanget ko ang sarili ko para hindi ako maipakasal sa kung sino mang lalakeng hindi ko naman mahal.

Kahit na panget ako noon, masaya at tahimik naman ang buhay ko. Pakiramdam ko nga wala na akong mahihiling pa, pero biglang nagtagpo ang landas naming dalawa, pinagkasundo at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ako sakanya. Dahil doon ay ninais kong ibalik ang dating ako, (pangalawa). Hindi naman ako nagsisi, alam kong mahal nya rin ako kaya buong puso kong pinagkaloob sakanya ang sarili ko. Ginagawa na namin ang gawain ng mag-asawa, hanggang sa--- hanggang sa nabuntis nya ako at biglang bumalik ang babaeng una nyang minahal, ang babaeng iniwan sya dahil sa karamdaman nitong ayaw ipaalam sakanya upang hindi sya masaktan. Ang babaeng naging dahilan para iwanan nya ako.

Halos mag-makaawa ako para hindi nya ako iwan, para samin at para sa magiging anak namin. Pero nasaktan ako ng sobra-sobra nang lumuhod sya para mag-makaawang palayain ko na sya. I died a thousand times during that time. Pakiramdam ko ilang libong beses akong paulit ulit na hinulog sa napakalalim na bangin. Halos mabaliw ako dahil hindi ko matanggap na wala na sya, na iniwan nya na ako.

At umabot na sa puntong uminom ako ng kung anong gamot, dinamihan ko ang inom ng gamot na iyon para mawala na rin ako sa mundo. Hindi ko na alam ang ginagawa ko at manhid na manhid na ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. He left me and he choose to be with her. Then my baby died inside my womb.

Lumayo ako para makalimot, para bumangon at para hanapin ang sarili ko na nawala ng dahil sa pag-ibig, hindi ko masasabing sya pa rin ang dahilan ng pagbabago ko sa pangatlong pagkakataon, dahil alam kong para sa sarili ko ang pagbabagong iyon. Ilang taon na ang nakakalipas at Hindi ko pa rin malimutan ang ginawa ko, hanggang sa panaginip ay nakikita ko ang anak ko. Hanggang sa kinailangan ko nang bumalik ulit sa Pilipinas at nagtagpo na naman ang landas namin, Hindi ko akalain na sa pangalawang pagkakataon ay muli ko na naman syang mamahalin sa kabila ng lahat na nangyari saming dalawa. Nagpakasal kami, nagsasama ng palihim. Tanging si Angeline at Daniela lang ang nakakaalam.

Hinusgahan nya ang pagmamahal ko, inisip nya na ginamit ko lang sya. Yun ay dahil sa mga kasinungalingan ng babae nya, mas pinaniwalaan nya ito kesa sa pagmamahal ko sakanya. At sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan na naman ako ng iisang tao, ng iisang lalake.


*Flashback*

"Vince" tanging nasambit ko nang makabawi na ako mula sa pagpigil ng hininga.

"Hi" he greeted to us.

"Hindi ka man lang kumatok." Nakasimangot na sita ko sakanya.

"Oh, I'm sorry. Pinapasok na kasi ako ng secretary mo, nakakaabala ba ako?" Sabay lipat nya ng tingin Kay Daniela.

"Naku Vince-- I mean Sir Vince, paalis na rin po ako. Kinamusta ko lang si Madam President." Aniya habang nilalakihan ako ng mata sabay tayo, nakatalikod pa rin sya Kay Vince kaya hindi nakita ng huli ang pandidilat ng mata sakin ng kaibigan ko. "Oh'sya aalis na ako, ciao!" sabay tayo ni Daniela at walang lingon-likod na nagmartsa palabas ng opisina ko.

"Naglunch ka na ba?" Aniya habang naglalakad palapit sakin, Hindi naman ako umiwas nang hinalikan nya ako sa noo. "You looked tired, you OK love?"

"Not yet and im not really OK" then I tried to smile.

"So let's take our lunch together love, is that OK with you?"

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon