Chapter 29 : Blast of pain

506 16 0
                                    

"I have to go baka kailangan na ako sa opisina" paalam nya, nandito na kami ngayon sa tapat ng building.

"Ok, ingat sa pagdadrive" nakangiting bilin ko.

"Oo naman, mamahalin mo pa kaya ako noh." Then he kiss me at my forehead, napangiti naman ako sa ginawa nya.

"Bye…" Paalam nya ulit.

"Bye, ingat" hinintay ko munang makaalis ang kotse nya bago ulit ako pumasok sa loob ng building.

Third Person's POV:

Kasalukuyan syang nakatayo sa may bintana ng kanyang opisina at nakatanaw sa kawalan.

Babalik na dapat sya sa table nya nang hindi sinasadyang mapatingin sya sa may baba at natanaw ang dalawang tao na masayang nag-uusap. Nakita nya rin ang paghalik ng lalaki sa noo ng kausap nito. Mataman nya lang na tinitigan ang dalawa.

Hindi nya alam kung anong estado ang relasyon ng mga ito. Kanina pa lang sa elevator ay hindi nya maiwasang hindi maramdam ng matinding galit sa kadahilanang hindi nya naman malaman.

"Hon" nilingon nya naman si Lorry na nakapasok na pala sa loob ng opisina nya at ngayon nga ay nakatayo na sa tabi nya. "Sila na ba?" Hindi nya naman pinansin ang tanong nito, bagkus ay nagtungo na sya sa kanyang working table. "Good for them, bagay naman sila." Dagdag pa ng dalaga.

"Tapos na photoshoot mo?" Pag-iiba nya sa usapan.

"Yes, and i'm tired." Lumapit ito at pumwesto sa likuran ng swivel chair na inuupuan nya at dahan dahang hinagod ang matitigas nyang dibdib pababa. "Doon nalang ulit tayo sa unit mo" may halong panunukso sa boses nito.

"Mamaya na, may kailangan pa akong tapusin para sa next project."

"Ok then, kung gusto mo dito nalang" at walang gatol sya nitong hinalikan at walang pagdadalawang isip na ginantihan nya ito.

Si Lorry, ang nagpupuno ng pangangailangan nya bilang lalaki.

Nakarinig sya ng mga katok at ang sumunod ay ang agad na pagbukas ng pinto.

"Sir… naku sorry po" agad naman nyang naitulak si Lorry.

"Anong kailangan mo Mr. Perez?" Tanong nya sakanyang assistant. Naiilang na humarap ito sakanya.

"Pinapasabi raw po ni Ms. Swane na kailangan na raw mapag-usapan ang ibang detalye ng next project ngayon na raw po."

"Ok, i'm coming…" Tumayo na sya at hindi na nagpaalam pa kay Lorry,

Kahit ilang beses nitong sabihin na mahal na mahal sya nito ay hindi nya magawang isipin na kaya nya rin itong suklian. Physically? Oo kaya nya, sa kama nga lang. Pero emotionally and spiritually? Malabo.


***

Gab's POV:

"Thanks Angeline, bye" then i hang up my cellphone.

Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon, tinawagan ko ang pinsan ko para sana magpasama kaso wrong timing naman ako. Busy sya ngayon at hindi pwedeng maabala kaya mag-isa ko ngayon na tinatahak ang lugar na hindi ko pa napupuntahan at nadadalaw.

Hapon na at makulimlim ang panahon ngayon, parang uulan. Pagkagaling sa opisina dumiretso na ako sa pinakamalapit na flowershop at dumiretso na dito.

Hawak hawak ang isang bungkos ng iba't ibang klase ng bulaklak ay dahan dahan akong naglakad. Medyo nakakaramdam ako ng panlalamig, pero malayo palang nag-iinit na ang mga mata ko tila may mga luhang nais lumabas pero pinipigilan ko lang ang mga ito. Nang mahanap ko na ang hinahanap ko ay dahan dahan kong nilapag sa tabi nito ang mga hawak kong bulaklak.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon