Takbo lakad ang ginawa ko pagkababa namin ng sasakyan nya. Kahit tahimik ay ganun din ang ginawa nya hanggang sa makarating kami sa ER. Dumating na rin sila Angeline kasama ang mommy at daddy nya pati si Angela.
"Gab!" Agad na salubong sakin ng pinsan ko. "Wala ni isa samin ang nagmatc--" napahinto sya nang makita kung sino ang nakasunod sakin.
"Didiretso na kami sa Laboratory." Paalam ko sa pinsan ko. Nilagpasan ko muna silang lahat. Nakasunod lang sakin si Tyron hanggang sa nakarating kami kung san itetest ang dugo nya.
Nang matapos ay bumalik kami sa ER.
Tahimik pa rin syang nakasunod sakin hanggang sa nakapasok kami sa loob. Wala pa ring malay ang anak ko. Si mommy at daddy ay nagulat sa kung sino ang kasama ko. Si Vince, tiim-bagang na nakatingin samin. Kausap ulit nila ang doktor na tumitingin kay Venice."I guess he's the father." Walang gatol na turan samin ng doktor. Tanging tango lamang ang sinagot ko. "I'm going to the lab first to get the result quickly. We are running out of time, she needs blood transfusions and surgery. Please excuse me." Paalam nya.
Kami nalang lima ang naiwan na nakatayo dito.
"Lalabas muna kami, hija." Paalam ni mommy. "Nakausap na rin namin ang mga pulis." Tumango nalang ako, wala pa ako sa wisyo para alamin kung sino ang gumawa nito. Tanging ang pag-galing ni Venice ang nasa isip ko.
Nakita kong tinapik ni dad sa balikat si Tyron. Ang huli ay hindi maalis alis ang titig sa anak ko. Tahimik naman na sumunod si Vince kina mommy.
Humakbang ito palapit kay Venice, maya maya ay nakita ko ang pagtingala nya habang pinipisil ang taas ng ilong sa pagitan ng dalawang mata nya. Kahit sideview nya lang ang nakikita ko…kitang kita ko kung ilang beses umigting ang panga nya. Kitang kita ko ang panginginig ng labi nya dahilan kung bakit nya piniling itikom ito.
Hindi ko mapigilan ang mga luhang bigla nalang naglandas sa aking mga mata at agad ko itong pinunasan.
I'm so sorry Tyron.
Biglang tumunog ang cellphone nya.
"Cancel my flights and clear my schedules." Tumigil sya sa pagsasalita, marahil pinakikinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya. "Hindi ako pupunta, wala akong pupuntahan. May mahalaga akong bagay na dapat unahin." Tila may kumurot sa puso ko dahil sa narinig. Hindi nya ako nililingon, ni hindi maalis ang mga mata nya kay Venice. Tila ba kapag malingat lang sya ay mawawala na ito sa paningin nya. "Ako na ang magsasabi kay dad. Makakapaghintay ang bagay na yan Mr. Perez."
Tinapos nya na ang tawag sa kanyang assistant at binalik na sa bulsa ang kanyang telepono.
"Dadalahin na namin sya sa Operating Room." Sabi ng doktor dahilan ng pagkagulat ko.
"What's the result doc?" Nagawa ko pa rin itong itanong.
"They're matched! The father and daughter blood type. Now we need to bring her to the Operating Room. Excuse us Sir Ma'am." Tila may isang malaking bato ang nakadagan sakin ang natanggal dahil sa narinig. Madaming nag-assist na malabas sa ER at maipasok sa OR si Venice. Tulak tulak ng mga ito ang stretcher na hinihigaan ng anak ko. "Sir, we need you for blood extractions." Tumango lamang si Tyron at agad na sumunod sakanila.
Sumunod kami nila mommy pero hanggang labas lang kami ng Operating Room. Si Tyron naman ay kasalukuyang kinukuhaan na ng dugo na isasalin kay Venice.
Ilang oras na ang lumipas, nandito pa rin kami sa labas ng Operating Room. Hindi ako mapakali, panay ang pabalik balik na lakad ko sa may pinto ng OR habang nakasunod at nakaalalay sakin si mommy. Walang may gustong magsalita sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...