Chapter 37 : Love Reconciled

387 8 0
                                    

Gab's POV:

Nagdadalawang isip pa ako nitong umaga kung tutuloy pa ba ako sa party na toh. Sa totoo lang nahihiya akong humarap kina tito Robert dahil sa paghihiwalay namin ng anak nya, gayun pa man nanatili pa rin ang partnership ng Swane at Legaspi Corp.

Tahimik lang kami buong byahe, tila walang may balak na basagin ang katahimikan. Minsan may pagkakataon na pasimple ko syang sinusulyapan na alam kong hindi nya napapansin dahil tutok na tutok sya sa pagmamaneho. At dahil laging traffic sa Pilipinas ay lalo kaming natagalan pinipikit ko nalang ang mga mata ko para mapigilan ko ang sarili kong mapasulyap sa direksyon nya.

Kanina nang mapag-sino ko kung sino ang driver na sumundo sakin ay gustong gusto ko syang sugudin ng mahigpit na yakap, pero ginawa ko ang lahat ng pagpipigil para hindi ko iyon gawin. Agad din kasi pumasok sa isip ko ang dalawang bagay na nagpapabigat ngayon sa dibdib ko.

*Flashback*

"Mahal mo pa ba?" yan ang tanong ni Angeline na nagpabalik sakin sa wisyo ko matapos kong ikwento lahat sakanya, sa lahat ng tao na malalapit sakin sya ang nakasaksi sa lahat ng paghihirap ko. Dalawang araw na mula ng nakabalik ako mula sa Villa Elice at nandito kami ngayon sa loob ng opisina ng isa sa mga boutique na pagmamay-ari ng pamilya nila. Yes, in a very young age nagagawa nya nang hawakan ang negosyo nila.

Hindi ako makasagot kahit na alam na alam ko kung ano.

"You know what Gab? Wala naman akong magagawa kung mahal mo pa yung gag*ng yun eh sorry for the word ah pero galit pa rin kasi ako sakanya." tinuloy nya ulit yung tinatype nya sa laptop.

"Hindi ko na alam…." tanging sagot habang nakatingin sa ibang direksyon.

"You said na ayaw mong makasira ng isang relasyon dahil nagawa na yun sa inyo ng ibang babae and you also said na natatakot ka na baka masaktan ka na naman ng iisang lalaki na dumurog na sayo noon." pag-uulit nya sa mga gumugulo ngayon sakin, "nakapag-usap na ba kayo?" tanong nya.

Umiling lang ako.

"Ay oo nga pala, umiiwas ka ng bonggang bongga sa tuwing kakausapin ka nya doon." sinara nya nalang yung laptop nya, marahil hindi na sya makapagfocus dahil nandito ako ngayon. "Gab, dapat mag-usap muna kayong dalawa, yun ay kung may gusto pa kayong pag-usapan, nakauwi na rin ba sya?" aniyang binigyan ng diin ang salitang 'kung'.

"Nauna na akong umuwi sakanila tutal wala na akong gagawin doon" sagot ko tapos sinandal ko na yung ulo sa headrest ng swivel chair na inuupuan ko.

"You look tired and depressed Gab" puna nya sakin. Napangiti naman ako ng mapait. "Prepare yourself incase na magkaharap na ulit kayo."

Natawa naman ako doon, prepare talaga?

"Hay naku Gab, hwag mo akong tatawan-tawanan." naiiling na sita nya.

"Sorry po ate Angeline" i mimicked what her little sister angela always say sa tuwing pinagsasabihan nya ang kapatid.

"If you still love him and the feeling is mutual….go for it Gab, go for whatever will make you happy." aniya sabay hawak nya sa kamay ko na nakapatong sa table nya.

"What if masaktan na naman ako? I think hindi ko na yun makakaya, natatakot ako." lalong humigpit ang pagkakahawak nya sakin.

"Gab, kapag nagmahal ka hindi pwedeng hindi ka masaktan mahal mo nga eh kaya minsan nasasaktan ka." then she smiled at me habang ako ay kiming nakikinig sakanya. "Ang love kasi minsan bestfriend sila ni pain, if you can't feel any pain then ibig sabihin si love nawala na rin. And if you don't love someone anymore you won't be in pain."

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon