Chapter 31 : Talk

367 10 0
                                    

Gab's POV:

Nandito na kami sa hintayan kung saan susunduin kami ng isang van papunta sa isang Villa kung saan kami tutuloy sa loob ng isang linggo.

Manghang mangha ako sa gandang nakikita ko sa kapaligiran, paano pa kaya kung makarating na kami sa Villa? Marahil na mas magagandang tanawin ang makikita namin doon. Parang nasa dreamland lang ako, malalago at magagandang halaman, mayayabong na puno ang makikita sa daan. At ang mga bundok na berdeng berde.

"What can you say?" Seryoso ang tinig na tanong nya, biglang nagbalik sa realidad ang isip ko at napalingon sakanya na tutok pa rin sa kalsada ang mga mata.

"Amazing..." Tanging sambit ko. Nilingon ko naman sa side mirror yung van na nakaconvoy samin. Doon dapat ako sasakay kaso hindi na ako nakatanggi dahil nakakahiya kung sa harap ng mga staff ko iyon gagawin. Baka isipin pa nila na may past kami -_-


Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa lugar na tutuluyan namin at lalong sumidhi ang paghanga namin sa lugar.

Luxurious Villa... Yan ang matatawag ko dito. Though Villa Elice ang tunay na pangalan ng lugar. Isang Millionaire ang nagmamay-ari nito at gusto nyang mafeatured ito sa isang magazine at sa kahit na anong babasahin.

Tila bonus nalang ang kagandahan at karangyaan ng Villa na ito dahil sa sobrang ganda ng paligid at tanawin. Aakalain mong nasa isang liblib na lugar ka ngunit pagnapuntahan mo na ang pinakadulo ay talagang mamamangha ka sa makikita mo. Masasabi kong hindi kami nagkamali na kinuha ng Publication ang project na ito.

Nagtungo na kami sa kanya kanya namin kwarto, nauunang maglakad samin sila Tyron...kasama nya ang staff na itinalaga para asistahin kami sa mga kwartong tutuluyan namin.

"Miss Brielle, dito po ang magiging kwarto nyo" pahayag sakin ng staff, nawala ang pagkakangiti ko nang marealized ko na magkatapat lang ang mga pinto namin ni Tyron dito sa dulo ng pasilyo.

"T-thanks."

***

Pababa na ako sa eleganteng hagdan ng Villa nang makita ko syang prenteng nakaupo sa mamahaling upuan habang nagkakape. Its already 5am in the morning at mukhang kami palang dalawa ang gising.

"Can we talk?" Formal na tanong ko nang makalapit ako sakanya. Gusto ko sanang malaman kung ano ba ang tunay na namamagitang gulo sakanila ni Vince.

"Sure" sabay lapag nya sa table ng kapeng iniinom nya. "Have a seat" alok nya sa bakanteng upuan na katapat nya. "About?" Formal na tanong nya nang makaupo na ako.

"About you and--"

"What about me?" Agad na sabat nya -_-

"And Vince" dugtong ko sa sasabihin ko sahalip na sagutin ang kulang na tanong nya.

"So what about us? Sinabihan ka ba nya na kausapin ako?" Lalong sumeryoso ang anyo nya.

"i just wanna know kung may problema ba sa pagitan nyo, i mean ng mga kumpanya nyo."

"So he asked you to talk to me huh?"

"No..no, hindi nya alam na kakausapin kita about that issue"

"And? Bakit kailangan mo pang malaman ang tungkol doon? As far as i know labas kana doon Ms. Swane, your Corporation is not involve in this issue of yours." Blangko ang emosyon na tugon nya.

"Issue of mine? Kayong dalawa ang may issue--"

"There's no issue between me and Montero. That thing is pure business, kung masama ang iniisip mo tungkol doon i guess ikaw ang may issue. Ganito talaga ang mundo ng business Ms. Swane, kung hindi mo tatapatan o hihigitan ang isang bagay mapaghuhulihan ka." Then he paused at saglit na tinitigan ako. "At mapag-iiwanan ka" Hindi na ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi nya. Para akong nab*bo. "So if you'll excuse me lalabas lang ako."

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon