"Kamusta ang pinakacute at biba kong pamangkin?" Bungad ni Angeline pagkapasok nya dito sa mansyon. Kasalukuyan kong nilalaro si Venice dito sa sala, pinababa ko lahat ng laruan nya na nasa playroom.
Lumapit agad ito sa anak ko at walang sawang pinanggigilan ito. "Why so cute baby?" Aniya pa, habang panay hagikhik naman si Venice sa pangingiliti ng tita nya sa leeg nya.
"Tita Cake?" Sabay turo nya sa dalang box ni Angeline.
"Yes baby, I brought you a cake. You want chocolate cake right?"
Pumapalakpak habang tumatalon talon ang anak ko dahil sa sinabi ni Angeline. "Yes yes!"
"But not too much baby and drink lots of water afterwards OK?" Tumango tango naman ito bilang sagot.
"So kamusta? Nagka-usap na ba kayo ng daddy ni Venice?" Biglang tanong sakin ng pinsan ko, tinawag ko muna ang isang kasambahay para pakain ng cake si Venice.
"Yeah" tipid na sagot then I took a deep breath, hanggang ngayon kasi sariwa pa rin sakin lahat ng sinabi nya.
"So ano na nga Gab? Nasabi mo na ba sakanya ang tungkol sa anak nyo?"
"No Angie, there's no way for him to know about my daughter."
"But why? He has a right to know about Venice. Siya pa rin ang ama ng anak mo Gab. He deserves to know the Truth."
"Angie please. Not now okay? Hindi naging maganda ang pagkikita at pag-uusap naming dalawa, kahit na from the very first place ay hindi ko inasahan na magiging maayos ang pagkikita at pag-uusap namin."
"What happened then?"
"We argued, I mean inaway ko. Ang kulit nya kasi, hindi sya makaintindi na tapos na kami. Na wala na kaming babalikan."
"Mag-asawa pa rin kayong dalawa Gab."
"Alam ko, kaya nga magpafile na ako ng annulment sa ayaw nya at sa gusto. Kaya hindi nya dapat malaman ang tungkol sa anak ko dahil sigurado akong mas magmamatigas sya."
"He almost got in jail." She said from out of nowhere. Nalilitong tiningnan ko ang pinsan ko. "Na-ospital pa nga yun dahil halos mamatay na sa bugbog." Then she paused. "Simula nang mawala ka lagi nalang syang napapaaway Gab, kahit sino binubugbog nya at kapag sinuswerte sya ay sya naman ang nabubugbog." Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinisiwalat ng pinsan ko. "He lived his life like he doesn't care to live at all after you left. He's like a living zombie living in a hell."
"Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin yan?"
"Akala ko kasi hindi mo na kailangang malaman, pero mali pala ako. Nakaganti kana sakanya Gab, namatay sya mula nang umalis ka." Gusto kong mainis sa pinsan ko, bakit parang kay Tyron na sya nakapanig ngayon? "One year and months after you left, nakapag-isip-isip sya na walang mangyayari kung patuloy nyang sisirain ang buhay nya. Na mas hindi ka nya mahahanap kung papatayin nya ang sarili nya. Hindi ko na alam kung anong pinagkaabalahan nya para umayos ang buhay nya nitong nakaraang mga taon. Hindi naman kami close para tanungin ko pa."
"Nagpakasaya siguro kasama ang babae nya." I said coldly. Dahilan para matawa ang pinsan ko. "Anong nakakatawa sa sinabi ko aber?"
"Gab, wala na si Lorry." Biglang kumunot ang noo ko sa narinig. "I mean hindi ko alam kung nasaan na ang babaeng iyon. He almost killed Lorry after he heard all the confession of that bitch. Inamin ng babaeng iyon lahat ng kasinungalingan nya na naging dahilan para magkahiwalay kayo ng asawa mo."
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romantik"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...