"Daanan pa ba kita dyan sa opisina mo or magkita nalang tayo sa basement?"
"Sa basement nalang, magliligpit lang ako saglit."
"Alright"
Agad kong pinutol ang tawag ni Daniela at nag-simulang ligpitin ang gamit ko. Magna-night-out kami ngayon sa isang kilalang bar sa BGC kasama ang dalawa pa naming kaibigan.
Nagmamadali akong naglakad pasakay sa elevator, takot na baka makasabay o kaya ay makasalubong ko sya. Ilang araw na ang nakakalipas mula nang may nangyari samin sa loob mismo ng aking opisina. Ilang araw ko rin syang pilit na iniiwasan, mas lalo pa syang nagpupursigi na magkaayos kami dahil sa nangyari. Pero lately hindi ko na sya nakikita, pero patuloy pa rin ang pagpapadala nya ng bulaklak at lunch para sa akin.
Noong araw na may nangyari, pagkagising ko mula sa pagkakatulog ko sa ibabaw nya ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig, agad akong bumangon at nagmamadaling ayusin ang aking sarili. Habang sya ay nagising, gulat at nalilito sa inasal ko, akala nya siguro ay maayos na kami. Panay ang tawag nya sa pangalan ko habang nag-aayos na rin sya ng kanyang sarili pero hindi ko sya tinatapunan kahit ng isang tingin at walang pasabing iniwan ko sya doon na gulat na gulat. Nakailang mura na ako sa sarili ko hanggang sa nakasakay ako sa aking sasakyan.
"Thank God Its Friday!" Bulalas ni Daniela nang makababa na kami mula sa kanya kanya naming sasakyan, convoy kaming dalawa nang pumunta dito. "Tara na bakla at baka in-ugat na yung dalawa sa kahihintay satin." aniya at hinila na ako sa aking braso.
Agad na linibot ng aking mga mata ang paligid nang makapasok na kami sa loob ng bar.
"Ayun sila!" Sabay na naglanding ang mga paningin namin ni Daniela sa pabilog na table, kung saan nakaupo ang dalawa. "Taralets!" At hinila nya na naman ako.
"Gab!/Gaby!" Sabay na sigaw ng dalawa at agad akong niyakap ng sobrang higpit.
"OMG! sobrang miss na miss kana namin!" Ani Nicole habang niyayakap ako, ginantihan ko rin naman ito ng yakap. "Lalo kang gumanda!"
"True!" Sang-ayon ni Yzha habang hawak hawak ako sa isa kong kamay. "You look so fab Gab! Oh my G!!!!"
"Mamaya na ang chikahan! Umorder na muna tayo!" Singit ni bakla habang kinakawayan ang isang waiter. Inorder nya ang pinakamahal na wine dito sa bar na ito, "Minsan lang ito kaya lubos-lubosin na natin." dahilan nya nang tinukso sya ng dalawa dahil sa pagiging galente nya tonight.
Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti habang pinagmamasdan ko sila. Mas lalong gumanda ang dalawang ito, si Nicole na mas lalong bumagay ang pagiging morena nya sa napakasexy nyang katawan at makinis na kutis. Itim na itim pa rin ang mahaba nitong buhok. Si Yzha na mas humubog pa lalo ang kurba ng kanyang katawan, ang napakaputi at kinis nitong balat ay nababagay sa kulay brown at kulot sa dulo nyang buhok. I wonder bakit hindi nalang nag-modelo ang dalawang ito.
Hindi rin nagtagal ay dumating ang wine na inorder ni Daniela, agad nagsalin ang mga ito saming mga baso. Walang katapusan ang pagtalak ng mga ito, tila isang libro na dapat ay matapos nilang ikwento sa loob ng isang oras.
"We're looking for some new models" putol ko sa daldalan ng mga ito. "Gusto nyong magtry?"
Sabay na kumunot ang noo ng dalawa.
"Kami?" Sabay nilang tanong.
"Ay Hindi! Baka ako?" Sabay irap ni bakla sa dalawa. Inirapan din naman sya ng mga ito.
"Hay naku Gab! Hwag kami please! Sa sobrang dami ng trabaho hindi na nga kami makahanap ng boyfriend pagmomodel-in mo pa kami?" Ani Yzha.
"Korek! Don't us Gab, don't us please!" Sabay iling ni Nicole.
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...