Tapos na silang tumugtog pero nagrerequest pa rin ng another song ang mga narito.
"Sorry girls, nagkatuwaan lang." Ani Luke sabay halakhak sa mic.
Pababa na sila ng stage nang maisipan kong tingnan ang telepono ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakasampung miscalls na sakin si mommy. Muntik na akong mapatalon nang tumunog ito, tumayo ako mula sa sofa at naghanap ng medyo tahimik na lugar para makausap ng maayos si mommy.
"Hello mom?"
"Anak buti at sinagot mo na!" Tila guminhawa ang pakiramdam ni mom sa pagsagot ko.
"Bakit po? May nangyari po ba? Si Venice po tulog na?"
"Ayun na nga anak, nagising sya at hinahanap ka. Kausapin mo?"
"Yes mom, please po." Maya maya lang ay narinig ko na ang paghikbi ng anak ko.
"Mommy?" Aniya sa kabila ng paghikbi.
"Yes baby? Did you have a bad dream?"
"Y-yes. Mommy home?"
"Yes baby, I'm going home. Will you wait for me?"
"Yes mommy."
"Okay then, see you and I love you so much."
"Love you"
Then we hang up the call, napangiti ako sa sagot ng anak ko. Agad din nawala ang pagkakangiti ko nang makita ko si Tyron na nakatayo sa may likuran ko. Madilim ang anyo at tila nagpipigil ng galit, kitang kita ko ang pag-igting ng panga nya..Sh*t, narinig nya kaya? Pero agad din nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
"U-uuwi kana?" Tanong nya sa nag-aalinlangan na tono. Hindi alintana ang mga babaeng nasa paligid namin na kanina pa namimilipit sa kilig habang nakatitig sakanya...
"Oo, k-kailangan ko ng umuwi." Sagot ko habang umiiwas ng tingin. Nilingon ko na rin yung table namin, mukhang nagkakatuwaan pa sila doon. "S-sige mauna na ako, pakisabi nalang sakanila." Tatalikuran ko na sana sya nang pinigilan nya ako sa braso.
"Ihahatid na kita." Maagap na sabi nya. Hindi sya nagpapaalam na kung pwede nya ba akong ihatid. Isa itong pahayag. Dahil sa ginawa nya narinig ko ang pagsinghap ng mga nasa paligid.
"Ay may girlfriend na!"
"Baka naman ka-fling nya lang!"
"OK lang at least hindi asawa!"
Parang nagpapanting ang tenga ko sa mga naririnig sa paligid. Tinitigan ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko, nakita nya ang disgusto ko sa ginawa nya kaya dahan dahan nyang inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko.
"Hindi na kailangan, kaya ko." Malamig na sagot ko at tinalikuran ko na sya. Mabuti at madali na syang kausap ngayon. Mapayapa akong nakasakay sa sasakyan ko nang walang gumugulo sakin.
At least hindi asawa???? Eh kung isampal ko kaya sa mga pagmumukha nila yung marriage certificate namin??!!!
Sh*t
Marriage certificate na malapit nang mapasawalang bisa pagtinuloy ko na ang annulment ng kasal namin. Napasandal ako sa headrest ng kotse ko, medyo tipsy na ako sa dami ng nainom ko.
***
"Sorry love, naging busy lang ako this passed few days. Anyway how's Venice?" Bungad nya pagkasagot ko sa telepono.
"It's okay Vince. She looks so excited sa paligid na nakikita nya doon. She didn't even cry when I left her to her Lola." Pauwi palang ako galing Baguio, hindi na nakasama si Vince sa paghahatid kina Mommy para magbakasyon.
BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...