Chapter 58 : Blood

50 4 2
                                    

"Ma'am ako na po ang magbubuhat." Salubong sakin ng isang bodyguard.

"Hindi na, ayos lang." Nilingon ko si Rita. "Balikan nyo sa supermarket yung mga napamili natin." Utos ko sakanya, inabutan ko ito ng cash. "Mauuna na kami ni Venice." Paalam ko. May isa na pinasama ko kay Rita para sa inutos ko at ang iba ay nakasunod lang samin.

Hanggang ngayon sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Parang mahuhulog na ito. Naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ni Venice, nakatulog na sya. Habang naglalakad ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Masyadong agaw pansin ang mga bodyguards na nakapalibot samin.

"Diba si Brielle yun?" Narinig kong kumento ng mga nadaanan namin. May iba tinatapatan kami ng cellphone tila ba kinukuhaan kami ng litrato.

"Hala! Ang ganda nya! Kaya lang sino yung batang karga nya?"

Tiningnan ko yung isang bodyguard, agad nitong nakuha ang ibig kong sabihin. Pumwesto ito sa gilid ko para matakpan kami.

Tulog pa rin si Venice nang makauwi kami.

"How's my apo?" Salubong ni mommy.

"She's fine mommy, napagod po." Sa kwarto ko muna dinala si Venice at doon inihiga. Nakasunod lang samin si mommy.

"Kumusta hija? Mabuti at nakita nyo sya agad. Susunod na rin sana kami doon."

"Si Tyron ang nakakita sakanya." Nilingon ko si mommy at nakita ko ang gulat sakanya.

"What? Edi kilala nya na ang apo ko?" Umiling naman ako.

"Hindi mom, hindi sya nagtanong at hindi ko sinabi."

"Hindi nya ba napagmasdan si Venice?" Kunot noong tanong ni mommy.

"Luckily mukhang hindi." Nakamask ang anak ko kaya tingin ko hindi nya ito napagmasdan ng mabuti.

"Ohh…" tanging nasambit ni mommy. "Magpahinga kana rin muna, hija." Ani mommy at lumabas na ng kwarto.

***

Monday, maaga ulit akong pumasok.

Pagdating ko nandun na rin si Yza.

"Good morning Ms." Bati nya sakin.

"Morning Yza."

Naramdaman ko ang pagsunod nito nang makapasok na ako sa loob ng opisina ko.

"Ms. I just want to inform you that yesterday President Legaspi moved into his new office on the 29th floor."

Napahinto ako sa paglapit sa table ko. At nilingon ito.

"Is that so?" Nagtatakang tanong ko. "Agad agad?"

Hindi ko pa nasasabi ang kapani-paniwala at makatotohanan kong dahilan sakanya kung bakit ko sya gustong palipatin ng opisina ah. May pagkukusa naman pala sya.

"Yes Ms."

"Okay then."

Bakit parang hindi ko makuhang maging masaya sa narinig? Lumipat ba sya doon para makasama si Gabinelle?

Aalis na sana si Yza nang pinigilan ko ito.

"Kumusta si Tyron at ang bagong FD na si Gabinelle?" tanong ko nang makaupo na ako. Nakita ko ang pagdaan ng pagtataka kay Yza. Bakit ko nga naman itatanong sakanya ang tungkol sa dalawa?

"Wala naman po akong ibang nababalitaan sakanila Ms."

"Okay."

"Pero ang naririnig ko lang po sa canteen ay lagi raw po silang magkasabay kumain."

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon