CHAPTER 01

1.5K 27 3
                                    

(A/N: Before proceeding, mas mabuti sigurong basahin nyo muna yung unang story patungkol sa parents ng male lead 'My World My Rules'. Para malaman nyo ang origin ng ML at para hindi kayo malito sa takbo at mystery ng buong kwento. xD)

(Read at your own risk.)

(UNDER MAJOR EDITING)

-KwinYen

KAYE ANTHEA KELSEY ALONSO POV

"Chel, you think may pag-asa ako kay Jay?" Nasa canteen kami ngayon at pinagmamasdan ang ultimate crush kong si Jayden. Ewan ko ba pero nakatingin din sya at ang mga barkada nya sa direksyon namin.

"Of course! Sa ganda mong yan! Kung hindi mo napapansin, sobrang dami ng mga lalakeng nagkakagusto sayo dito sa Campus. Halos yata lahat pinag-uusapan ang ganda mo. Di mo lang sila nakikita dahil busy kang pagmasdan ang crush mo. Nakakainggit ka nga e! HAHA! Eye catcher and head turner ang galawan." She said saka sumimsim ng juice.

"Ano namang silbi ng titulong yan kung mismong crush ko hindi man lang ako mapansin-pansin?" Dismayadong sabi ko.

"Eh pano? Masyado kang conservative! Gusto mo kasi ikaw pa lapitan! Naku girl! Kapag hindi ka pa kumilos na mapansin nya, tingnan mo isang araw, baka mabingwit na sya ng iba." Babala ni Rachel sa'kin.

Hindi na ako nagsalita pa. Marahil ay tama sya.

Kung hindi ako kikilos ngayon, kailan pa? Maybe it's about time to make a move.

Mamayang labasan, sa usual na dinadaanan nya pauwi sa kanila, magtatapat na ako sa kanya.

============

5 HRS. LATER...

Nandito ako ngayon sa isang bench ng boulevard sa gilid ng dagat. Madalas ko syang makita dito kapag tumatambay ako. Masasarap kasi ang mga paninda sa foodcart. Nakahilira ito at iba-iba ang pagkaing paninda. Maganda din dito sa gabi dahil umiilaw ang naggagandahang tubig sa fountain.

He's a cassanova. Every week siguro, nagpapalit sya ng babae. But he's my ultimate crush since first year college. Third year college na kami ngayon, Engineering ang course nya. BSBA Major in Human Resource naman ang course namin ni Rachel.

Ilang minutong paghihintay nakita ko syang mag-isa at naupo sa isang bench. Alam kong may ka-meeting syang babae ngayon. Pero hangga't wala pa ito ay magtatapat na ako sa kanya.

Kahit kinakabahan ako ay kinakailangan kong gawin 'to.

Naglakad na ako palapit sa kanya. May kinakalikot sya sa phone nya.

Nag-angat sya ng tingin nung makita akong nakatayo sa harapan nya.

"You're Anthea, right?" Kalmadong tanong nya.

"Y-yes." Utal na sagot ko. Ngayon ko lang lubos na napagtanto ang kagwapuhan nya. Ngayon ko lang din narealize kung ano 'tong ginagawa ko at bakit ako nasa harapan nya ngayon.

"So, what brings you here?" Curious na tanong nya.

"A-a-ano..." Kinakabahan talaga ako at hindi ma-compose ang gusto kong sabihin sa kanya. Nag-iinit na din ang buong katawan ko dahil sa kilig at hiya.

"Are you perhaps, confessing to me?" Nakangising tanong nya.

Hindi ako nakapagsalita. Siguro ay halata na din sa ikinikilos ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

"I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag kong boring sa kama. Palagay ko rin ay hindi ka papasa sa mga ipapagawa ko sayo. I'm dominant when it comes to sex. Pero kung ipagpipilitan mong karapat-dapat kitang pag-aksayahan ng oras, you can beg. Kneel before me and beg for my pleasure." He boastly said smirking.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon