Naglakad na kami to find his Mother.
Nung medyo malapit na kami sa hagdan ng mataas na rock formation, I saw a mid-30’s lady na sumisigaw at may tinatawag na pangalan.
“Haaaarrryyyyy!” Sigaw nito. Hindi pa naman masyadong nakatingin ang bata dahil nakapikit lang ito kakaiyak.
Lumapit ako sa Ginang. Nung matanaw nya ako at ang batang hawak ko, dun naman sya naluha at tumakbo to hug her son. Kinarga nya ito saka humarap sa’kin.
“Thank you very much, Iha.” Pasasalamat nito. Tumango lang ako. “Ano bang pwede kong maibigay sayo bilang pasasalamat?” Tanong niya.
“Naku! Wag na po. Sapat na sa’kin na makita kayong magkasama na ulit.” Sabi ko.
“Napakabuti mo Iha. Mag-iingat ka sana palagi.” Sinserong sabi nya. “Oh siya, aalis na kami. Once again, thank you for finding my son.” She said again. Ngumiti lang ako saka tumango.
Naglakad na sila paalis.
Babalik na sana ako para ihatid na ang tupperware sa yate nung may nakita akong babaeng nakahandusay malapit sa likod ng rock formation.
Napalingon ako sa paligid.
No one can see her like this lalo’t nakatago ang ibabang parte ng katawan nya sa likod ng malaking bato.
Lumapit ako sa babaeng nakahimlay. Mas nagiging pamilyar naman sa’kin ang anyo nya.
Nung makalapit sa pwesto nya ay agad ko siyang nakilala.
“Cheska? Hey! Cheska!” Tawag ko sa kanya. Tinatapik ko pa ang mukha nya.
Nahulog ba sya mula sa itaas?
Pero wala naman akong nakikitang maraming dugo except sa may noo nya.
“Cheska! Gising!” Medyo tumataas na rin ang boses ko dahil hindi siya nagigising. Pinakiramdaman ko ang pulso nya. Humihinga pa naman sya.
Tatayo na sana ako para humingi ng tulong nung may naramdaman akong malamig na bakal na bumatok sa’kin.
The next thing I knew...
Everything went black!
===========
ZEPHANIAH ALLISON ZILL POV
Ilang minuto lang akong nalingat, nawala na sa paningin ko si Kels.
Mabilis kong pinuntahan si robot para ipaalam sa kanyang hindi ko makita si Kelsey.
“Robot, Kelsey’s nowhere to be found. Pero base sa tracker nya, she’s still in this island.”
“Fuck!” Nakita ko ang galit sa mukha niya kasabay ng malutong na mura. Ito din ang nakakatakot na awra nya nung muntikan na siyang makapatay sa palengke noon. Iniwan nya ang dapat na gagawin nyang pagtulong saka tumakbo. Kinuha nya ang phone sa bulsa nya para sundan kung nasaan ang trace ni Kels.
I’ll wait for the reinforcement and tell them to search the whole area. Baka may iba pang kasabwat pa ang Mommy ni Jayden.
Better safe than sorry.
Please, Zayne! Save Kelsey no matter what!
==============
KAYE ANTHEA KELSEY POV
Nagising ako dahil sa malakas na ingay sa paligid ko.
Minulat ko ang mga mata. Nung medyo malinaw na sa’kin ang lahat ng nakikita, napansin ko kung nasaan ako ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...