CHAPTER 63

438 13 2
                                    

THE GRADUATION...

Kahapon natapos ang graduation namin. Pumunta din doon sila Kier at Zayne sa school. As usual, madami parin ang pumapansin sa kanya. Marami parin ang nakatingin at pasimpleng kumukuha ng litrato.

Ngayon naman ay araw ng graduation nila Zayne.

Namangha naman ako sa dami ng medals niya sa leeg. Ang ganda, kasi iba-iba ang laki. May mga offers and referrals narin sila for Zayne kung saan siya pwedeng makapagtrabaho.

But knowing Zayne... Tatanggihan nya iyon at maghahanap ng ibang pwedeng maging experience niya.

Marami kasi siyang gustong malaman.

Nag-speech siya kanina as the Suma cumlaude. Maraming naiyak, namangha at na-inspired sa mga sinabi niya kanina. At isa na ako dun.

Zayne’s not that talkative. Pero kapag nagsalita siya. Tumpak naman at palaging nasa punto.

Ngayon ay kukuha na ng family picture sa itaas ng stage.

“Kels, let’s go!” Pagyaya ni Zill sa’kin.

“Huh? Nakakahiya.” Sabi ko.

Hindi pa naman kasi ako belong sa family. I mean, moment nila ngayon yan. I’m just giving them privacy.

“Naku, Kels, pag di ka pa sumama sa’kin, si robot ang kukuha sayo dito sa upuan mo. Sige ka, makukuha mo ang atensyon nila.” She warned me.

“Haha. Fine. Fine. Mukhang wala din naman akong magagawa.” Sabi ko nalang saka tumayo at sumama sa kanila. Ganun din si Kier. Isinama nya din. Magna cumlaude naman si Kier.

Di ko alam na matalino pala siya.

“Ang gwapo talaga ni Zayne!”

“Oo nga! Matalino pa!”

“Sabi ng iba, may fiancee na daw siya.”

“Maniwala kayo! Ni hindi nga marunong mamansin ng babae yan eh! HAHAHA! Nalaman ko na yung mga binibigay nating regalo at pagkain sa kanya, mga kaklase niya lang ang kumakain.”

“Kung ganun, may chance parin tayo sa kanya?”

“Kung may chance nga! HAHA! Himala nalang yata kung magka-jowa si Zayne sa cold na ugali niya.”

“Basta ako, gustong-gusto ko parin siya. Gwapo, macho, matalino, nasa kanya na yata lahat.”

“Ang swerte naman ng babaeng mamahalin at magugustuhan niya?”

“Pero kung hihingin niya kahit ang mag-kalahi lang, nakahanda akong magpagamit sa katawan niya! HAHAHAHA!”

Rinig kong sabi nung ibang mga babae na nakikinood lang din sa graduation nila Zayne habang paakyat kami sa malawak at malaking entablado.

Maluwag at malaki din kasi ang social hall nila.

Inabangan talaga nila?

Alam ko namang maraming nagkakagusto sa kanya, but I can’t believe na ganito nila kagusto si Zayne.

Pero di ko naman sila masisisi. Nakakabaliw nga talaga si Zayne. Magsalita man siya o hindi.

----

Nung makarating sa harapan at ibabaw ng entablado. Kinuha ni Zayne ang ibang medal na nakasabit sa leeg niya. Pagkatapos ay isinuot sa’kin.

Huh?

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon