CHAPTER 28

457 15 1
                                    

“Di ko akalaing pupunta kayo dito. Gabing-gabi na ah? Ano bang ganap?” Tanong ni Kuya Kokoy.

Pinakilala na ako ni Zayne kanina nung pumasok kami dito sa malawak at ni-renovate na parang modernong antigong bahay. Nagluluto ngayon ng hapunan ang asawa ni Kuya Kokoy na si Ate Akeisha. Nalaman ko din na sampung taong gulang naman si Klyde.

Ang gaganda! Lahat ng nasa loob, ang gaganda! Maging ang mga vases at paintings ay vintage din. Aakalain mong nasa loob ka lang ng Museum.

“I need to borrow them for tomorrow’s operation.” Tugon nya.

Zayne, what are you saying? Alam mong may nakakarinig na kalaban sa mga plano mo, diba?

Napahawak ako sa kamay nya bilang babala. Napatingin sa’min si Kuya Kokoy. Si Zayne naman ay napalingon sa direksyon ko.

Nakalimutan mo ba?

Napansin ko naman na may kinuha si Kuya Kokoy na eyeglass sa ibabaw ng coffee table. Sinuot nya ito saka tumingin sa’kin.

Zayne. May ibibigay pala ako sayo.” Sabi ni Kuya Kokoy matapos akong tingnan. Nakita kong sumenyas din sya na mag-usap silang dalawa.

Tumango si Zayne. Tinugunan nya rin ang hawak ko sa kamay nya. Pinisil nya ito na para bang nagpapaalam sya sa’kin.

Tumango ako. Naglakad na silang dalawa papunta sa itaas.

Nananatili lang akong nakaupo sa sofa. Nilibot ko ang paningin sa buong bahay. May napansin naman akong kwarto malapit sa may kusina.

Nakasulat doon ang mga salitang ‘Fuck off’.

Kanino kayang kwarto yun?

Pero kung tama nga ang sinabi sa’kin ni Zayne kanina na dito sila nabuo ni Zill, ibig sabihin, kwarto yan ni Tita Fiya?

Hindi rin imposible dahil may pagka-maldita si Tita.

“Anthea...” Mahinhing tawag sa’kin ni Ate Keisha.

Napalingon ako sa direksyon nya. Nakita ko syang nakangiti at papalapit sa’kin.

“Alam mo ba kung bakit tinawag na Ahpo ang village na ito?” Tanong nya sabay umupo sa sofa na nasa katapat lang ng inuupuan ko. Umiling ako lalo’t first time ko lang din dito. Nagsimula naman ulit syang mag-kwento.

“Pag-aari ito dati ni Ahpo. Kaso nga lang, namatay sya 5 years ago dahil sa katandaan na rin. Siya ang master ni Kuya Zac. Alam kong nagkita na din kayo.” Sabi nya sabay ngiti. Nagpatuloy lang sya nung mapansing interesado ako sa ikinikwento nya.

Gusto kong malaman ang history nila. Baka sakaling makatulong din ako kay Zayne.

“Pagkamatay ni Ahpo, lahat ng ari-arian at mana lalo na ang village na ito, pinangalan nya kay Ate Fiya. Pero si Kokoy na muna ang pinahawak nya dito. Yung ibang mana na galing kay Ahpo, ay binigay ni Ate Fiya kay Kokoy. Itong village lang ang tinanggap nyang sa kanya. Lalo’t para sa kanya, malaki ang naging parte at alaala ng village na ito patungkol sa nakaraan nya.” Kwento nya.

Maldita si Tita Fiya, pero sobrang ganda ng ugali nya. Buti nalang at kahit cold ang magkambal ay may namana din sila kay Tita.

“May alam ka ba patungkol sa pagiging Instructor ni Tito?” Tanong ko. Natawa naman sya.

“Haha. Hindi sya instructor. Master ang tawag sa kanya ng mga taga-village. Nakita mo ba yung mga babaeng lumapit sa inyo kanina?” Tanong nya. Tumango naman ako. “They’re Kuya Zac’s student sa training.” Dagdag nya.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon