“We have a bad news!” Anunsyo ni Miss Javier. “Kumpleto na ba tayong lahat dito except for the 6 kids that are currently missing?” Dagdag nya sabay nagpalinga-linga sa paligid.
Napansin nya ang humihikbing si Kelsey. Ganun din ang tatlong lalake sa likod ni Miss Javier. Hindi na si Kelsey umiiyak ngayon. Palagay ko ay huminahon na sya dahil sa pagbaling ng atensyon ng lahat sa pagdating ni Miss Javier kasama ang tatlong lalake. At dahil na rin sa sakit nyang DID, mabilis nyang pinapakawalan ang sakit na nararamdaman nya.
“What’s going on here?” Tanong nung lalakeng naka-suit. “By the way, I am Detective Dremoire.” Pakilala nya.
----
ZEPHANIAH ALLISON ZILL POV
I knew she has a DID, dun palang sa part na nagkukwento sya patungkol sa nangyaring betrayal ng kaibigan nya. Hanggang sa pagpapahiya sa kanya ng sinasabi nyang ultimate crush. Ultimate, then parang ambilis lang talaga mawala yung sakit na nararamdaman nya.
Hindi ako naniniwalang madaling kalimutan ang mga bagay na iyon. Kahit pa sabihing nagkagusto sya kay Zayne sa unang tingin. May hinala na ako dun pa lang. I've encountered a lot of article cases before nung tinuturuan palang kami ni Dad. Pero hindi ko gustong i-open up ang topic dahil ayoko syang masaktan. Though, I’m 100% sure na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga bata, Na-cucurious lang talaga ako sa mga sinasabi ng dating kaibigan nyang si Rachel. Alam kong ganun din ang gustong malaman ni Zayne. Or maybe, may ibang gustong malaman si Zayne.
Alam kong matagal na silang naging magkaibigan. At alam ko rin na ilang beses nya nang nakita ang ibang side ni Kelsey. Pero nakahanda parin akong maniwala kay Kelsey kahit ano pa man ang nakaraan nya.
Alam kong ganun din ang nararamdaman ni Zayne ngayon. Ang pinagkaiba lang namin, when it comes to investigation or any detective skills, 100% precise ang mga deductions nya.
==========
MILDRED CHESKA POV
“Anyway, close all the windows. Lahat ng nandito ngayon, makinig!” Anunsyo ni Miss Javier.
Nagtipon naman lahat ng mga counselors. Ganun din ang mga batang pinagtipon-tipon ni Miss Hidalgo.
“Nandito na kami since kanina pang alas-tres to investigate about the three missing kids. Pero wala pa kaming nakikitang ibang clues na makapagtutukoy kung sino ang culprit. Though, every 3 hours, napansin namin na nawawala ang mga bata. Hindi pa rin namin ma-crack down ang huling mensaheng iniwan ni Miss Sagai bago pati sya ay nawala. Sa tingin ko ay iniwan nya ang mensaheng ito dahil may nakita sya sa CCTV footage. Based on my deductions, pinuntahan nya ang lugar na nakita nya sa footage at hinayaan ang sarili nyang maging pain para makasama nya ang mga batang dinukot ng ating culprit. Upang masiguro na ligtas ang mga ito. Ang kailangan ko lang malaman ngayon ay ang iniwang mensahe ni Miss Sagai sa ating lahat. Alam kong malaki ang magiging ambag nito sa pagtuklas sa imbestigasyon natin ngayon.” Paliwanag ni Detective Dremoire.
“Nakita namin ang letter na ito katabi ng laptop ni Miss Sagai. We’re trying na mabasa ang code but failed at the same time.” Paliwanag ni Miss Javier.
“You okay, Kels?” Tanong ng boses ni Zill. Napatingin naman ako sa direksyon nilang dalawa. I saw her just nodded.
“I told you, si Kelsey ang dumukot sa mga bata!” Pinagdidiinang sigaw ni Rachel.
“SHUT UP!” Sigaw ni Zill. Ngayon ko lang nakita ang nagliliyab na tingin nya.
Nasabi ko na bang masama syang kalabanin? Heto na yun! Ang aurang di ko gustong makita sa kanya.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...