CHAPTER 40

434 17 0
                                    

“Ate Kelsey, can I borrow your watch?” Zic asked me. Kinuha naman ni Zayne ang watch sa wrist ko saka iyon ibinigay kay Zic.

Tama nga ang hula kong hindi ito basta-basta lang! Ginamit ni Zayne ang fingerprint nya para makuha ito sa wrist ko.

May kinalikot si Zic sa watch at phone saka bumungad sa’min ang malaking projector screen. Nakikita naming lahat sila detective, Nicole at Miss Sagai.

Sumisipol ulit si Zic.

At ang hindi ko maintindihan ngayon, ay kung bakit hinahayaan nila Zayne at Zill na si Zic ang mag-lead ngayon? May kasunduan kaya silang tatlo?

“Mukhang pare-pareho ang takbo ng mga utak natin?” Sabi ni detective Dremoire matapos makita ang mga mukha naming nandoon din sa video call screen nila..

“There’s a big difference detective. Dahil papunta palang kayo, pabalik na kami. In other words, gagawin nyo palang, nagawa na namin.” Nakangising sagot ni Zic.

“Who are you kid?” Tanong ni detective.

“You’re not even worth telling my name.” Sagot ni Zic.

He’s really playing them.

Nakita ko naman ang pag-ngitngit ni detective.

“Wag kang magyabang bata! May alas parin kaming inihanda para pabagsakin kayo!”

“Oh about that, nalaman na namin ang spy nyong si Kuya Kier.” Nakangising sagot ni Zic. Pero halata parin naman ang paggalang nya kay Kier.

“What a useless punk!”

“Useless, huh? Ahahaha! Let’s have a deal.”

“Wag kang masyadong pakampante bata! Hindi ko rin gusto ang mga sinasabi ng dila mo. Sa oras na magkita tayo, babaliin ko lahat ng mga buto mo.” Banta ni detective.

Hindi pinansin ni Zic ang sinabi ni detective. Pinagpatuloy nya parin ang gusto nyang maging kasunduan.

“Let’s exchange our hostages.”

“Maybe you’re not just a talk, kid! Pano nyo nalamang may hinahawakan kaming hostage?”

“Masyadong makaluma ang style nyo. Patay na rin ang kauna-unahang tao na nagbigay ng ideyang yan sa inyo.” Sabi ni Zic. This time, seryoso na ang mukha nya. “I will give you this man, in exchange with Kuya Kier’s parents.”

Zic...”  Tanging naiusal ni Kier.

He’s quite moved dahil sa ginagawa ni Zic para sa pamilya nya.

“Before that, pano nyo nalamang si Kier nga ang spy at hawak namin ang parents niya?”

“Ikaw na nga ang nagsabi, we’re not just a talk. Kuya Zayne told me about the spy, he even told me sa pangalan ni Kuya Kier kahit hindi nya gustong sabihin at di nya gustong paniwalaan. That’s why during the implanting of bombs and landmines, I tried to locate and investigate the whereabouts of Kuya Kier’s parents. That’s where I noticed about their suddenly disappearance. Though I don’t know how brother Zayne find it out.” Paliwanag ni Zic.

“I almost underestimated you, kid. I guess you belong to the McKinley’s family. As expected!” Paghangang sabi ni detective. “But... Are you really sure na ibibigay ko sayo ang pamilya ni Kier kapalit ni Boss? Hahaha wag kang patawa bata! Kaming lahat ng miyembro, walang laglagan kahit sino pa ang hostage! Siya na mismo ang nagbigay sa’min ng rule na yan! That we need a willingness to be killed kung kinakailangan for a sacrifice. HAHAHAHAHA! Don’t make me laugh kid. Masyado ka pang bata para makipag-negotiate sa’min! Nasa kalingkingan ko palang ang karanasan mo kaya wag kang masyadong magyabang! Nasaan ba ang Daddy mo? Siya ang gusto kong makausap!” Nang-iinsultong sabi ni detective.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon