KAYE ANTHEA KELSEY POV
Buti nalang at natapos na ang araw na’to nang hindi na ako ginambala pa ni Nicole. Laging nasa tabi ko sila Zill, Zayne at Kier.
Pauwi na din kami ngayon at nakasakay na kami sa dalawang bus. Buti nalang at sa bus din namin nakasakay sila Zayne.
This is not a right time to become comfortable and let my guard down, lalo’t nagbalik na si Nicole.
Magkatabi kami ni Zayne ngayon. Napansin ko ang paghawak nya sa kanyang chin.
As far as I remember, kapag nakahawak sya sa baba nya, malamang ay may natuklasan na naman sya.
“Something’s bothering you, right?” Tanong ko.
He just patted my head and said,
“I won’t let you get involved. This is related to my parent’s history.” Sabi nya. Tumango nalang din ako bilang pagsang-ayon.
Ito siguro ang pinag-usapan nila ng kapatid nyang si Zic kanina.
“Can I use your shoulder as my pillow? I’ll just take a nap while we’re on our way.” I initiated.
“Tss!” Singhal nya. Ang akala ko ay tatanggi sya. Nagulat ako nung inalalayan nya ang ulo ko to lean on his left shoulder. Since ako naman ang nasa may bintana.
Napangiti ako sa ginawa nya. Naipikit ko din ang mga mata. Kinikilig naman ako kahit simpleng bagay lang tong’ iginawad nya.
Nagpahinga muna ako saglit sa komportableng balikat nya. Ikinagulat din ng mga dragon ko sa tiyan ang pag-akbay nya sa’kin para maalalayan ang pagtulog ko.
>//////<
Sa sobrang kilig at paghaharumentado ng puso ko ay tuluyan na nga akong dinalaw ng antok.
==============
MILDRED CHESKA POV
Nag-iinit lalo ang dugo ko kay Kelsey. Magkatabi sila ngayon. At kahit hindi ko sila nakikita dahil nasa unahan ako ng upuan nila ay alam kong nagkakamabutihan na ang dalawa.
That b^tch! She’s already one step ahead of me!
Natutuwa naman ako sa pagdating ni Nicole. Alam kong mas matalino at mas magaling sya kay Rachel. Sa ngayon, sa kanya ko na ipupusta ang pagkasira ni Kelsey.
Ilang minutong byahe ay bigla kaming tumigil. Hindi ko alam kung anong problema sa unahan.
May mga armadong tao namang nagsipasok sa loob ng bus. Naalarma ang lahat kung kaya’t nagsiyuko kami sa kanya-kanyang upuan.
“Sino sa inyo dito ang nagngangalang Kelsey?” Tanong nung lalakeng armado.
Napansin kong walang sumasagot. Di ko alam kung anong ginagawa ng babaeng yun ngayon.
Lumapit ang lalake sa may likuran ng upuan ko. May kinuha syang papel sa bulsa nya. Batid ko ay picture iyon. Tumingin sya sa hawak na papel at sa likod ko. Nasisiguro kong nakita nya na si Kelsey.
Pero bakit wala akong naririnig na reklamo o pagsasalita man lang mula kay Kelsey?
What’s that b^tch doing right now?
“Hoy! Gisingin mo sya! Kung hindi ay pasasabugin ko lahat ng kasamahan mong nandito ngayon!” Asik nung lalakeng may takip na bonnet ang mukha. Tanging ang mga mata lang ang nakikita sa kanila.
Bakit kaya nila hinahanap si Kelsey? Ano namang kasalanan ng babaeng ito sa kanila? Pati tuloy kami nadadamay.
Narinig ko ang boses ni Zill.

BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...