CHAPTER 53

413 13 1
                                    

KIER REUBEN ZYRUS POV

Nahuli na kagabi lang ang babaeng dumukot kay Kelsey kahapon kasama ang pilotong kasabwat niya. Naging witness ang ina ng batang tinulungan ni Kelsey kahapon.

Hindi na din muna nila pinagpatuloy kagabi ang paghahanap dahil madilim na.

“Hindi mo parin ba na-titrace ang location nila?” Tanong ko kay Zill na kasalukuyang may ginagawa sa phone nya.

“Not yet. Marahil ay napindot ang center button ng emblem kaya ayaw gumana. Though I’m not that too worried because I know Zayne can pulled it off at alam ko ding poprotektahan niya si Kelsey. Ang ipinag-aalala ko lang ay ang katotohanan na baka may nasugatan sa kanila at need gamutin sa hospital. Lalo na si robot. He’s willing to protect Kelsey na maaaring gawin nya ang lahat kahit kapalit nito ay buhay nya.” Zill calmly said.

Ipina-hold din namin si Cheska dahil naging kasabwat sya sa nangyaring pagkidnap kay Kelsey. She’s crying right now na para bang nagsisisi sya sa nagawa.

Hinihintay lang ni Zill sila Kelsey at Zayne sa kung ano man ang magiging desisyon nila kay Cheska.

============

KAYE ANTHEA KELSEY POV

Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay galing sa hampas ng alon sa dagat. Di ko alam na nakatulog pala ako.

Napansin ko rin ang liwanag sa paligid.

Umaga na pala.

Naalala ko kaagad si Zayne. Pagtingin ko naman sa gilid ko ay wala na siya.

Zayne?

Bigla akong kinabahan.

“Zayne?” Tawag ko sa pangalan niya. Mag-uumpisa na sana akong magpanic nung marinig ko ang boses ni Zayne sa likod ko. Nagmula ang boses nya sa may kakahuyan.

“Stop roaring, wolf.”

Napalingon ako at nakita siyang topless at may hawak na mga kahoy. May mga benda parin ang braso at kamay nya.

Mabilis akong tumayo. Tumulo ang mga luha ko. Yung mabigat na pakiramdam ko kagabi ay biglang naglaho nung makita siyang ligtas ngayon. Nung makita ko siyang nakatayo at marinig ang panunukso niya.

Nabitawan nya ang mga hawak na kahoy nung mahigpit ko siyang niyakap. This time, humagulgol na ako sa pag-iyak. Humihikbi na ako dahil sa samut-saring emosyon na hindi ko lubusang maipaliwanag. Ang alam ko lang ay masayang-masaya ako. Sobrang saya ko dahil ligtas siya.

“Sorry if I scared you. Next time, I won’t let myself be caught in danger again so you won’t worry anymore.” Sabi nya. Kahit hindi ko tingnan ang mukha nya. Alam kong nakatingin siya sa ibang direksyon at pulang-pula ang buong mukha maging ang tenga. Nagkakamot din ng ulo.

“Idiot, Zayne! Idiot! There’s no next time! Wag mo na ulit akong takutin ng ganun! And of course I’ll be worried. Mahal kita Zayne at ayokong mawala ka sa’kin!” Sinserong sabi ko habang umiiyak. May kasama pang paghikbi. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at ayoko na ding bumitaw pa.

Niyakap niya akong pabalik. Alam kong basang-basa na ang makisig na dibdib niya dahil sa pag-iyak ko. 

Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.

“Sorry.” Tanging nasabi nya.

“It’s not your fault but thank you for not leaving me, Zayne.” Sabi ko. Kumalas na ako sa yakap at tiningnan siya.

“Ah! Anyway, are you hungry?” Tanong niya.

Sakto namang kumalam ang tiyan ko. Nahiya ako ng kunti saka itinago ang mukha ko sa matipunong dibdib niya.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon