THE CHRISTMAS PARTY...
Pareho ang yacht na ginamit nila Zill at Zayne. Medyo may kalakihan kasi ito at kasya ang 80 passengers. 65 lang yata kaming lahat na nandito. Kasama ang instructor namin at tatlong medics. In case of emergency daw. Inarkila nila Zayne ang mga ito.
Pag-aari din nila ang yate dahil may nakaukit na emblem ng pamilya nila sa gilid nito. Exclusive lang ang yate para sa block namin at block nila Zayne.
Akala ko ay dun kami sa mismong seaside maliligo. May pupuntahan pala kaming isang isla na medyo may kalayuan sa seaside. Marami kasi ang rock formations. May mga madadaanan ding uninhabitable islands dahil malayo ito sa syudad.
Sobrang ganda ng mga nakikita kong isla na nadadaanan namin.
Kasama ko ngayon sila Zayne.
Sa pagkamangha ko sa mga islang nadadaanan kanina, hindi ko namalayan na tumigil na ang yateng sinasakyan namin.
Marahil ay katapat na syudad lang ito ng eastern seaside. Maganda din dito. Pwedeng tourist spot. May mga rock formations din. White sand at malinis ang tubig. May mga floating cottages din. Napansin kong may ibang tao din dito. Halatang dinarayo ang lugar na ito.
Sa tuktok na bahagi naman ng mataas na rock formation, may nakatayong batid ko’y diner. Pataas ang rock formation, may hagdan din na nakapalibot sa bato para makarating sa tuktok kung nasaan ang diner. Gawa sa matibay na bakal ang hagdan.
Sobrang ganda!
Bumaba na kaming lahat. By block ang pagbaba namin kaya naman naghiwa-hiwalay muna kaming apat. Block namin ang naunang bumaba. Puro lalake naman ang nasa block nila Zayne. Lima lang yata yung babae sa block nila. Kasama na doon sa lima si Cheska.
Sa amin naman, bilang lang din ang lalake.
Naglapag na kami ng folding table and chairs. Maganda naman ang panahon at batid naming hindi uulan ngayong araw.
“Familiar yung scene na makakasama ulit natin ang block nila Zayne.” Nahinuha ni Zill.
“Yeah right. Haha. Look at them! Talagang mga lalake ang nasa block nila.”
“Kunti lang naman kasi ang mga babaeng gustong maging pilot in the future.” Sabi nya.
“Sabagay.” Tanging nasabi ko.
Napansin kong naunang makapag-set up sila Zayne.
Puro ba naman mga lalake ang kasama nila? -.-
Minabuti ko nalang na pagtuunan ng pansin ang inaayos naming tent para sa paglalagyan ng mga bags at changing area naming mga babae. Yung mga lalake kasi ang naghahakot ng mga tables and chairs. Pinagdidikit nila ang mga mesa para maging mahaba ito.
Napansin ko kasing apat lang ang changing room at marami kaming nandito ngayon. May magandang public cr naman sa lugar mismo. Halatang disiplinado ang mga taong dumadayo dito. Sa sobrang linis ng paligid ay ikaw na ang mahihiyang magtapon ng mga basura kung saan-saan.
“You need help?” Tanong ng pamilyar na boses sa likod ko. Pero kahit di ako lumingon ay kilala ko na kung sino iyon.
Umiling naman ako.
“I’m always relying on you, Zayne. I want to do it on my own para kahit papano nasasabayan ko rin ang galing nyo sa mga natututunan kong bago.” Sabi ko. Naramdaman ko nalang yung kamay nya sa ibabaw ng ulo ko. He patted me again.
“Then, let me asssist you.” He said.
Sa madaling salita, gustong-gusto nya talagang tumulong. -.- paiba-iba pa ng tanong. HAHAHA!
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
Storie d'amoreSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...