KAYE ANTHEA KELSEY POV
Pagkatapos kong bumili sa store ay agad akong dumiretso sa apartment. Mabilis akong naglakad since excited na din akong makarating sa apartment ko. Binuksan ko ang pinto ng apartment since hindi naman ito naka-lock dahil alam kong nandito ang parents ko.
Nakakailang lakad palang ako nung mapansin sila Mom and Dad.
Nabitawan ko ang dalawang supot na dala ko mula sa convenience store. Nakita kong nakatakip ang mga bibig nilang pareho ng panyo. Nakatali din ang mga kamay at paa nila. Nagpupumiglas silang pareho at para bang gusto nilang sabihin na tumakas na ako dito.
Napahakbang ng isang beses paatras ang kaliwang paa ko. Ngunit agad din namang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod.
“Hoy! Hoy! Wag mong sabihing iiwan mo talaga sila para lang makatakas ka? HAHAHAHA Pareho nung pag-iwan mo sa mga kasamahan mo nung sumugod kayo sa isang kumpanya! HAHAHAHA!”
Nakikilala ko ang boses nya.
“Anong ibig sabihin nito? Detective Dremoire?” Tanong ko.
“Hahahahahahaha! Ang galing mo talagang hacker! Nagmana ka sa galing ng mga magulang mo!” Sabi ni detective.
Magulang ko? Hacker din? Anong ibig nyang sabihin dun?
“What do you mean by that?” Nagtatakang tanong ko ulit. Naglabasan naman ang mga tauhan nyang sa tingin ko ay kanina pa nagtatago. Mga armado ang mga ito.
“Manahimik ka dahil hindi iyon ang pinunta ko dito!” Sigaw nya.
“Hindi ko alam kung anong kailangan mo sa’kin detective? Hindi ko rin alam kong bakit mo ginagawa sa’kin to? Ano bang kasalanan ko sayo?” Kalmadong tanong ko.
“Malaki, Kelsey! Sobrang laki!” Sigaw nya ulit sa may tenga ko.
Pinipilit kong maging malakas dahil sa sinabi ni Zayne.
‘I am brave. Even if I’m alone, I am strong.’
“Alam mo ba kung sino ang ama ni Martin?” Halata sa boses nya na nakangisi sya habang tinatanong ang tungkol sa bagay na yan.
“Don’t tell me----.” Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko. Narealize ko kung anong gusto nyang iparating sa’kin.
“Yes! Kelsey! I’m his Father! Ang amang nawalan ng kaisa-isang anak dahil sa pag-iwan mo sa kanya! You killed my son, Kelsey! At bilang ganti sa pagkamatay ng anak ko! Ikaw ang gagamitin ko!”
Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa mga sinabi nya.
“A-anong ibig mong sabihin?” Utal na tanong ko. Hindi magkamayaw ang kaba sa dibdib ko.
“Kilala mo ang angkan ng McKinley, diba? Here’s the deal, you will become my spy sa pamilya nila. Lahat ng mga plano nila, irereport mo sa’min. Kapag dumating yung time na malaman kong pinagsabihan mo sila, we will kill your parents. Ikukulong muna namin sila sa hide-out namin. Sila ang gagawin naming hostage para mapagtagumpayan ang planong pabagsakin ang McKinley’s family!”
McKinley family? Ano namang kinalaman nila sa paghiganti sa’kin? Ako lang naman ang may kasalanan kung bakit namatay ang kaisa-isang anak nya na si Martin?
“Ang akala ko ba, sa’kin ka may galit dahil sa nangyari kay Martin? Bakit nadamay ang ibang pamilya sa usapan natin?” Lakas loob na tanong ko. “Namin? Yun ang rinig kong sabi mo. Sino pa ang mga kasabwat at may pakana sa kalokohan nyong ito?” Dagdag na tanong ko.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...