THE BIRTHDAY PARTY AND THE AUCTION BIDDING...
Nakapasok lang ako dahil sa binigay nilang invitation card. Naatasan nila akong hanapin ang pamilya nila Zayne lalo’t nasisiguro nilang makakapasok ang mga ito sa venue.
Naglilibot ako sa paligid. Hinahanap ng mga mata ko ang pamilya ni Zayne. Sa sobrang dami ng bigating tao na dumalo, nasisiguro kong matatagalan bago ko sila mahanap dito.
“Kaye...” Rinig kong tawag ng boses sa pangalan ko na sobrang pamilyar sa’kin.
Napalingon ako at nakita ang gwapong lalakeng hinahanap ko.
He found me... again...
Bagay na bagay naman sa kanya ang kasuotan nya. Sobrang kisig at ang ganda din ng tindig nya.
My Zayne’s not only awesome but also very handsome!
“You’re here too?” Nagtatakang tanong nya kunwari.
Galing nya umarte!
Alam ko namang alam din nya na dito ako papunta.
“Ganun din kayo! Ang galing!” Nasorpresa kunwaring bulalas ko.
“Since you’re here. Come with us. Wala ka bang ibang kasama?” Tanong nya.
“Wala naman.” Sagot ko.
“I have a favor to ask you, Kaye.” Seryosong sabi nya.
No, Don’t tell me----...
“W-what is it?” Utal na tanong ko. Sakto namang may kinuha sya sa loob ng bulsa nya.
“Wear this.”
Nakita ko ang isang earpiece. Siya na mismo ang nagsuot nito sa’kin. Alam kong matutuwa sila detective dito.
What are you planning, Zayne? Alam mong maririnig din nila ang mga planong gagawin nyo!
Napahawak ako sa laylayan ng tuxedo nya.
“P-para saan to?” Utal na tanong ko.
Sana mali ang hinala ko. Sana isa lamang itong regalo na gusto nyang ibigay sa’kin dahil engaged na kami.
“It’s a transmitter device. I don’t want to get you involved pero ayoko ring ikapahamak mo ang gagawin namin.”
Damn! He’s really telling me their plans!
“G-gagawin? What are you talking about?” Tanong ko.
Tinitigan ko sya sa mata. Hoping that my true questions inside my head will surely reach him.
‘What are you saying, Zayne? Maririnig nila ang mga plano nyo!?’
“We’re planning to win the statue no matter what.” He just answered.
Hindi ko naman makita ang presensya nila Zill at Zic. Even Mommy Fiya and Daddy Zac.
Where are they?
Nag-vibrate ulit yung mga hikaw sa tenga ko. Ngunit ipinagtataka ko na medyo mahina na ang vibration nung hikaw sa kaliwang tenga ko.
Sana may hangganan din 'to para naman hindi na nila marinig ang pag-uusapan namin.
Alam kong warning yun sa’kin na kailangan kong magtanong na related sa mga plano nila ngayon.
“Mag-isa ka yata? I thought, pupunta din sila Mommy Fiya dito?” Tanong ko.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
Lãng mạnSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...