KAYE ANTHEA KELSEY POV
Bumalik ako sa likod ng building pagkatapos naming kumain at nang mga bata. Kasalukuyan akong nasa duyan ngayon at nakatanaw sa maganda at nagsasayawang mga dahon ng puno dahil sa masarap na simoy ng hangin. Pinatawag kasi ang mga leaders para sa meeting ulit nila. Ang lahat ng lalake naman ay pinagtipon-tipon ng OIC. Di ko nga lang alam kung anong dahilan. Palagay ko ay patungkol din bukas. Last day of children’s camp na din kasi namin tomorrow.
Napansin kong wala pa namang pumaparito magmula pa kaninang pagdating ko. Marahil ay may taong naglagay ng duyan dito tapos wala sya ngayon sa lugar na ito for some reason.
Napatingin naman ako sa katawan ng puno nung makitang parang may mga pangalang nakaukit doon. Halata ding matagal nang nakaukit ang sulat dahil sa kulay nito. Bumaba ako sa duyan at nilapitan iyon.
Nung maging klaro sa’kin ang nakasulat, doon naman ako napanganga at literal na nanlaki ang mga mata sa nakaukit na sulat.
O_O
‘Martin <3 Nicole’
Naalala ko naman ang ibig sabihin ng pag-uukit ng pangalan sa isang malaki at matibay na puno.
‘Hangga’t nabubuhay ang punong ito, mananatili ring buhay ang pagmamahalan at mga pangakong binitawan natin sa isa’t-isa.’
Napaatras ako. Nasapo ko ang ulo ko dahil sumasakit na naman ito. Marahan kong sinusuntok ang sariling dibdib kung nasaan banda ang puso ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Pero pinipigilan kong labanan ang lahat. Ayokong makulong na naman ulit sa isang bangungot. Ayokong balikan ang bangungot ng nakaraan ko.
Pero bakit unti-unti na naman silang nagpapakita?
Hindi ko alam ang ipinapahiwatig nito. Pero nasisiguro kong hindi pa tapos ang kwento nilang dalawa.
Masama ang kutob ko dito.
=============
THIRD PERSON POV
(A/N: 1st time kong gumamit ng 3rd Person POV. Wala kasing kasama si Kelsey para maikwento ang sunod na gagawin nya. ^_~)
Hindi napigilan ni Kelsey ang lumuha. Sa kagustuhan nyang hindi bumalik ang D.I.D nya ay pinipilit nyang tanggapin ang pagkirot ng dibdib nya. Kasama ang mga masasakit na salitang binitawan ng dating kaibigan na si Nicole.
Gusto nyang sumigaw para maibsan ito ngunit walang lumalabas na kahit isang salita man lang mula sa bibig nya. May nakita syang gate sa likod. Palabas ito ng camping area nila. Doon sya dumaan habang tumatakbo. Ang mga mata nya’y nanlalabo narin dahil sa mga luha nya.
Nung matagumpay syang nakalabas ay hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng mga paa nya. Takbo lang sya ng takbo.
==============
REYLEIGH POV
Nakabalik na si Zill sa cabin namin pagkatapos silang ipatawag kanina ni Miss Hidalgo para daw sa isang meeting.
Nandito kaming tatlo nila Joram at Gino sa cucumber cabin. Pero si Kelsey ay wala parin dito. Malapit na ding magtakip-silim.
“Where’s Kels?” Tanong ni Zill nung mapansing wala dito si Kelsey.
“Di ko alam, after nyo kasi ipatawag ni Miss Hidalgo, lumabas sya saglit para magpahangin.” Sagot ko.
“Okay.” Sagot nya. Nakita kong kinuha nya ang phone nya. Yung kaninang masiglang mukha ni Zill ay napalitan ng pagseryoso at pagsalubong ng kilay.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...