CHAPTER 02

671 25 0
                                    

@ MEGABIAOKA MCKINLEY UNIVERSITY...

KAYE ANTHEA KELSEY POV

Hindi naman ako nahirapan sa process ng pagtransfer ko sa ibang university. Hinanap ko kung saan nag-aaral si Zill base sa uniform nya. I couldn’t find her kasi nung hinanap ko sya sa social media. Ngayon ko lang din nalaman na semi-private pala ang university na ito. Ang alam ko lang kasi, isa ito sa mga university na dala sa top 3 for it’s excellency. My subject was credited na din. Irregular student ako ngayon.

About sa nangyari sa’kin last week, pag-gising ko nasa bahay na ako. I asked my parents kung nakilala ba nila ang naghatid sa’kin sa kwarto pero pagdating daw nila sa bahay, nakahiga na ako at masarap ang tulog sa kama.

Sana makita ko ulit sya. Ilang beses akong bumalik sa lugar kung saan ko sya nakita pero wala akong nalaman kahit anino lang nya.

Pumasok na ako sa gate. Ang lawak ng gate nito ay katulad ng entrada sa enchanted kingdom. Kakaiba ang atmosphere sa loob. Sa bawat bench na madadaanan ko ay may mga estudyanteng nagbabasa ng libro. I even heard a group of student na nagkakaroon ng brain storming regarding sa natutunan nila yesterday. Marahil ay may quiz sila.

Kahapon ay pumunta lang ako dito para kausapin ang Dean nila. Nalaman ko din kahapon kung ano ang block ko. Block III-A.

Naglalakad na ako papuntang room III-A nung may marahang tumapik ulit sa balikat ko. Napaharap naman ako sa likod ko.

De ja vu?

Parang nangyari na’to noon.

“Hey! Wazzup?” Masiglang bati ni Zill sa’kin.

I can’t believe na nakilala nya ako kaagad kahit pa nakatalikod ako. Tsaka isang beses lang kaming nagkita before. Ang talas naman ng memorya nya!

“Ayos lang ako. Ikaw?”

“I’m always fine. Anyway, how’s you and the guy last week?” Tanong nya saka nag-umpisang maglakad. Sumabay naman ako sa tabi nya.

“I was betrayed by my ex-bestfriend. May relasyon pala sila ng lalakeng kasama ko that time sa bench.” Ewan ko ba pero ang gaan ng loob kong magkwento sa kanya.

“I’m sorry to hear that, but anyway, you deserve to be happy. Letting them go for good will surely set you free from any burden. I’m happy na sinunod mo kung ano ang tama.”

Napaisip naman ako...

Bakit nya kaya ako tinulungan?

“I know it’s rude to ask pero... hindi kasi mag-sink in sa utak ko kung bakit mo ako tinulungan that time. I’m a complete stranger pero maliban sa tinulungan mo ako, nagbigay ka pa ng payo.”

“It’s our nature. Mom and Dad told us kasi na tulungan ang mga taong nangangailangan at na-aagrabyado.”

“That’s a good parents for you.”

“Yeah, and I’m proud of them.” Masayang sabi nya.

Natanaw ko na din ang III-A room. Batid ko’y dun kami papunta. Good thing at magkaklase kami.

Naalala ko naman ang nobyo nya. I wonder kung magkaklase din sila.

“Anyway, yung boyfriend mo, di mo kasama ngayon?”

“Ah! Right! Nasa ibang school sila nag-aaral ng kakambal ko. Pilot kasi ang pangarap nyang maging. Yung kakambal ko naman, trip nya lang ang kursong yun. Bored sa life nya kaya ayun, kung anu-ano ang sinusubukan.”

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon