“Nobya mo ba, Iho?” Tanong ni Kuyang nagtitinda. Umiling si Zayne. “Nililigawan?” Tanong ulit nito.
“My fiancee.” Simpleng sagot niya.
“Naku! Congrats Iho! Nga pala, ngayon lang ulit kita nakita. Kailan ba kita huling nakita noon? Kasama mo pa ang parents mo dati. Kumusta na pala sila? Salamat sa tulong nilang bigyan ako ng stall cart at mas malaking puhunan. Hanggang ngayon, dahil sa pagtitinda, nakapagtapos na din ang limang anak ko. Sa wakas ay mga propesyonal na sila.” Proud na sabi niya. Halatang masayang-masaya siya para sa mga anak niya.
Bakit kaya hanggang ngayon nagtitinda parin siya?
“Bakit po hanggang ngayon nagtitinda parin kayo? For sure naman nakapagbibigay na din sila sayo ng sweldo nila.” Sabi ko.
“Pagkatapos nilang grumadweyt, nakapag-asawa din kaagad. Ang sweldo nila, nakatuon na sa sarili nilang mga pamilya. Ang importante lang naman sakin ay nabigyan ko sila ng magandang kinabukasan dahil nakapagtapos sila ng pag-aaral.” Nakangiting sabi niya. Halata namang disappointed ang boses niya pero bilang parent na din, nakikita ko naman sa mga mata niya na masaya siya para sa mga anak niya.
Salute to this Father.
“Eh yung asawa niyo po?” Tanong ko.
“Wolf...” Banta sa’kin ni Zayne.
Sorry naman, curious ako eh!
“Wala na siya, Iha. Mag-isa ko lang na binuhay at pinagtapos ang mga anak ko.”
Nakakaproud naman si Tatay. T,T
Nag-isip naman ako habang sumusubo ng isaw. Hindi na muna ako nagsalita lalo’t mas nagiging busy siya. Wala din siyang katulong dahil mag-isa lang siya ngayon.
Mas lalo pang dumarami ang nakapalibot sa cart kung nasaan kami ngayon ni Zayne.
“Napapansin ko lang. Kapag bumibili ka sa isang stall, ilang minuto lang ang nakakalipas, marami na kaagad ang nakapila sa likod mo. Haha. Lakas talaga makatawag ng atensyon yang kagwapuhan mo! HAHA!” Natatawang biro ko.
“Sa katunayan nga Iha, kapag dito bumibili ang buong pamilya nila, dumarami din ang pila sa stall ko. Madalas ay nasa kabilang katunggali ko kumakain ang mga tao dahil daw binatilyo pa at gwapo ang nagluluto at nagtitinda. Ang sa akin naman, bukod sa luma na din ang kariton na gamit ko, medyo matanda na din. Kaya bilang pasasalamat ko sa inyo ngayon dahil suki ko na din tong si Iho dito simula bata pa kasama ang mga magulang niya, treat ko nalang po yung mga kinain nyo ngayon.” Mabait na sabi ni Tatay. Nasa mid50’s na siguro ang edad niya.
“Naku, Tay! Sobrang thank you po sa libre pero gusto lang naming maging patas. Normal na kustomer lang po kami. Kumakain at nagbabayad. Give and take lang po.” Sabi ko.
Napangiti naman si Tatay.
“Napakabuti mo Iha. Bagay na bagay kayo ni Iho.” Puri niya sa’min ni Zayne.
Nabigla nalang ako when Zayne patted my head again and then whispered...
“You’re too honest, wolf. You made me proud of you even more.”
>////////<
Bago pa ako makapag-react ay mas lalong dumami ang tao sa paligid. Tinupi ni Zayne ang manggas ng polo niya hanggang siko. Yun kasi ang binili namin kanina nung mabasa ang T-shirt na suot niya kanina.
Hinawakan niya ang kamay ko saka pumwesto sa likod ni Tatay.
Hindi ko parin alam ang pangalan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...