Pagkaupo nya sa may bench kung saan ako nakaupo kanina ay saktong may lumapit na babae sa’min.
“I-ito na p-po ang binili nyo, Mr. H-handsome. Here’s the card.” Sabi nung babae sabay abot sa pinamili ni Zayne at sa black card nya.
Wow! It’s a black card! Like wow!
Hindi na rin ako magtataka kung bakit nauutal ang babae lalo’t nakita nyang itim na card ang binigay sa kanya. Halata din ang panginginig nya. Para bang takot na takot syang maiwala sa mga kamay nya ang card.
Sa tingin ko ay iniwan ni Zayne sa kasunod nya ang pinamili at nakisuyong bayaran nalang din. Palagay ko rin ay sya na ang nagbayad sa binili ng babae bilang kapalit sa pakikisuyo nya.
At alam kong ginawa nya yun para mapuntahan ako at maprotektahan laban sa dalawang lalake kanina.
Zayne! Zayne! Zayne! My beloved Zayne! HAHAHA
Pero sheeemaaay? Black card yun? Pinahawak nya sa iba?
Wow! Only the billionaire’s owned a black card...
Tinanggap nya ang nakasupot sabay nagpasalamat.
“Thanks.” Sabi nya at wala paring expression ang mukha nya. Namula naman ang babae at halatang kinikilig dahil kinausap sya ni Zayne.
Tss!
Umalis na ito sa harapan namin na may ngiti sa mga labi.
“Bakit mo naman pinahawak ng black card ang babaeng iyon? Pano kung tinakbo nya yun? Ikaw na nga may sabi diba? Be wary of your surroundings and don’t easily trust everyone. Eh ano yung ginawa mo ngayon?” Naiiritang tanong ko.
“I’d rather lose my money than lose you. Kapag kasama mo ako, I don’t want you to have a bad memories. I’ll make every second counts as a good one and worth it to be shared and be remembered.” Simpleng sagot nya.
>///////////<
Ayan Kelsey! Magtanong ka pa! Magtampo ka pa! Alam mo namang lahat ng ginagawa nya ay para sayo at palaging may magandang dahilan!
Pero syeeemay! Everytime nalang may sasabihin syang banat, kinikilig ako! Langya! AHAHAHAHAHA.
Tumayo na sya. Napatingala naman ako.
“Let’s go!” Pagyaya nya sa’kin.
Natapos na pala ang 30 minutes na paghihintay namin. Tumayo ako at napaigtad nung bigla nyang hawakan ang kamay ko.
“What?” Nagtatakang tanong nya sa naging reaksyon ko.
Jusme’ kahit yung kunting paglapat ng balat nya sa’kin mas lalo na akong nakukuryente.
Umiling ako bilang tugon. Hindi na sya nagtanong pa at nagsimula na kaming maglakad palabas patungong parking lot.
Pagdating namin doon ay marami na din ang mga kotseng nakaparada. Kasisimula palang ng inaabangan naming palabas ngayong takipsilim.
Napapasulyap naman ako sa ibang cars. Yung iba kasi ay hindi tinted ang glass.
May nakita pa akong naghahalikan sa loob ng mga kotse nila. -.- Gumagawa din ng sariling action at eksena. >.<
Hindi ko nalang iyon pinansin. Alam kong napapansin din ni Zayne ang mga ginagawa nila. Pero wala lang din syang pakialam sa mga ito.
Pumasok na kami sa loob ng kotse nya.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...