CHAPTER 23

459 20 1
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa pagkalam ng tiyan ko. Naalala kong hindi pala ako nakapag-dinner kagabi. Pagkatapos nilang umalis dala ang mga magulang ko ay nawalan na din ako ng ganang kumain pa.

Narinig ko naman ang pag-vibrate ng phone ko sa ibabaw ng coffee table. Kinuha ko iyon. Napansin ko ring maraming mensahe at missed calls akong natanggap magmula pa kagabi. Hindi ko na tiningnan pa kung kanino galing ang mga iyon. I decided to just read all the messages.

Unang binasa ko ang kay Zill.

‘Hey! Are you home already? Text mo’ko kapag nakarating ka na sa apartment mo.’

She texted me around 8:30.

‘Kels?’ – 9:47pm

‘Mukhang nasa apartment ka na. Kaso baka nakatulog ka na din kaya hindi mo na nabasa ang text ko. Goodnight, Kels’ – 10:33pm

Sunod ay patungkol lang din sa mga classmates ko noon sa school na pinapasukan ko dati kasama si Rachel. Panay bati lang din ng ‘good evening’ at ‘good morning’.

Pumukaw sa atensyon ko ang mga mensaheng galing kay Zayne.

‘Hey! Wolf! Come with me tomorrow. I’ll pick you up by sharp 8.’ – 9:55pm

‘Hey!’ – 10:47pm

‘Tss! Then I’ll stop by infront of your apartment if you don’t say anything.’ – 12:50

‘Tss!’ – 01:59

o.o

Is it just me or he’s asking me for a date?

>////////////<

T-teka! Teka! Hindi ito ang oras para kiligin! Kailangan ko ding mag-isip ng paraan para ipaalam sa kanya that I’m under surveillance.

Napatingin ulit ako sa phone nung magvibrate ito. Nakatanggap ulit ako ng text. This time from an unknown number.

‘Your spying will starts today. But, get yourself ready. Your presence would be attending the auction bidding tomorrow. With or without the knowledge and presence of McKinley’s family, we need to win in order to get the silver elephant statue. Ipapadala namin mamayang gabi ang susuotin mo bukas. Do not forget our deal, or else, your parents will be done for.’

Nanigas naman ako sa kinauupuan. Dito din kasi ako nakatulog sa sofa.

Dang it!

What’s with the elephant statue? Ano na naman kayang meron dun?

Nagulat ako nung biglang tumunog ang doorbell. Napahawak ako sa dibdib ko.

Sino na naman kaya ang nasa labas ng pinto?

Napatingin ako sa orasan, saktong 8:00 nang umaga.

Hey! Wait! If I’m not mistaken, nabasa ko yung ‘sharp 8’ ay susunduin ako dito ni Zayne. Am I right?

Pero....

WAAAAHHHHH! Tinotoo nga nya!

Mabilis naman akong tumakbo sa banyo para maghilamos. Binilisan ko nga lang at hindi na nakapagpunas ng towel sa mukha para lang mabuksan ko ang kanina pang tumutunog na doorbell. Kulang na lang ay sirain ni Zayne ang pinto namin.

Sumilip pa ako sa may peephole para makumpirma na sya nga ang nasa harapan ng pinto.

It’s really him.

Nakayuko sya habang nakatingin sa hawak na cellphone.

I immediately opened the door.

Bumungad sa’kin ang fresh at gwapong mukha nya.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon