CHAPTER 39

421 18 0
                                    

KINABUKASAN...

Natapos ko naman kaagad kagabi yung mga school paperworks dahil na rin sa guide nila Zayne at Zill sa tuwing tinatanong ko sila ng mga bagay na hindi ko masyadong maintindihan.

Ngayon ay kasalukuyan parin akong nasa kwarto. Parang tinatamad din akong tumayo ngayong araw. Napansin kong nasa kama parin si Zill kinakalikot ang phone nya.

“Zill...” Tawag ko.

“Hmm..” Sagot nya.

“Ayos ka lang?” Tanong ko.

“Yes, I’m perfectly fine.”

“May tampuhan ba kayo ni Kier?” Tanong ko ulit. Hindi kasi ako kumbensidong okay lang sya.

“Yeah. Just small thing. Pero ayos lang naman kaming pareho. Mamaya, magiging okay na din ulit kami.” Nakangiting sabi ni Zill. This time nakikita ko naman ang totoong ngiti nya. Marahil ay maliit na bagay lang ang pinag-awayan nila. Hindi na ako nagtanong at nangulit pa.

“Sumunod ka nalang Zill kapag gutom ka na. Kain lang ako ng breakfast.” Paalam ko sa kanya. Pagtingin ko kasi sa cellphone, around 7 o’clock in the morning na.

Naglakad na ako palabas para dumiretso sa kusina. Pagkadating ko doon ay tanging sila Mommy Fiya, Kier, Ate Keisha and Kuya Kokoy lang ang nandun.

“Where’s Mom and Dad?” Tanong ko.

Parang pakunti ng pakunti ang nasa table tuwing umaga ah? Is this related to the mole inside?

“Nasa kwarto pa yata. Masama daw ang pakiramdam ng Mommy mo. Your Daddy’s taking good care of her right now. Might as well, magdala ka na din ng gamot. Ihatid mo sa kwarto nila.” Payo sa’kin ni Mommy Fiya.

“Opo.”

“Kumain ka na muna.” Alok nya.

Kumain na lang ako kagaya nga ng sabi nya.

Mabilis naman akong natapos dahil gusto ko na ding dalhan ng pagkain at gamot sila Mommy and Daddy.

Naghanda ako ng dalawang pinggan na may pagkain sa loob ng tray. Kumuha din ako ng gamot sa loob ng first aid kit na nakapaloob sa may cabinet ng kusina. Nilagay ko din iyon sa may tray. Dinala ko naman ang tray habang naglalakad ako palabas ng kusina.

Nakita ko si Zayne na saktong nakababa lang din ng hagdanan. Napasulyap sya sa’kin sabay naglakad sa direksyon ko.

Agad nya akong tinanong nung nasa harapan ko na sya.

“Where to?”

“To Mom and Dad’s room.” Sagot ko.

“Can I?” Tanong nya. Gusto nyang sya ang magdala ng tray.

“Pero...”

“I insist.” Sabi nya ulit. Tumango nalang ako sabay binigay sa kanya ang tray na may lamang mga pagkain.

Nauna na sya sa’kin habang ako ay nasa likod nya.

Mabilis kaming nakarating sa tapat ng pinto ng kwarto nila Mom and Dad. Kumatok ako.

“Mom! Dad! May pagkain akong dala for the both of you. Mamaya maghahatid din ako ng prutas.” Sabi ko. Pero hindi parin nila binubuksan ang pinto.

What’s going on?

“Pakilapag nalang sa sahig yung tray anak, kukunin ko nalang mamaya!” Sigaw ng boses ni Daddy mula sa loob ng kwarto.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon