“Rachel?” Tanging naiusal ko.
Wala namang imik ang tatlo nung makita nila si Rachel.
“Kelsey, I need to tell you about something very important.” Sabi nya. This time nakikita ko sa mukha nya ang pagiging seryoso.
Ano kayang sasabihin nya?
Pero pano kung isa na naman ‘to sa mga panloloko nya? Isa na naman ‘to sa mga bagong pakulo nya?
A half of me ay gustong maniwala, pero ang kalahati naman nito ay puno ng pagdududa.
You can’t blame me, Rachel! Minsan mo na din akong niloko. At hindi rin imposibleng lokohin mo ako ulit.
Napasulyap ako kay Zayne. Di ko alam na nakatingin na pala sya sa’kin. Parang nabasa ko naman sa mga mata nya na pakinggan ko ang sasabihin ni Rachel. Nandito naman silang dalawa para malaman kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi.
Tumango nalang ako kay Zayne saka hinarap ulit si Rachel.
“What is it?” Tanong ko.
“Can we talk somewhere else?” Request nya. Napatingin sya sa paligid dahil marami ang nakatingin sa’min. Or more like kay Zayne. Marami syang taga-hanga dito sa School namin.
“Hindi ako sasama sayo Rachel kung hindi ko kasama sila Zill at Zayne.” Sabi ko.
“Don’t worry. Balak ko ring iparinig sa kanila ang mga nalaman ko.” Sabi nya. Hindi na ako nagsalita. Tumango lang ako.
Sabagay, kung hindi importante ang sasabihin nya. Hindi sya pupunta dito para lang magpakita sa’kin at magsinunggaling. Mag-isa pa sya!
“You can choose a place.” Dagdag na sabi nya sa’kin.
“Starbucks.” Tugon ko. Pagtango lang ang naging sagot nya sa’kin.
Sumakay na kami sa loob ng limousine nila Zayne. Habang nasa loob ng sasakyan, walang tigil naman ang panunuri at pagkilatis ni Zill sa bawat kinikilos ni Rachel.
Wala syang tiwala kay Rachel pero gusto nya paring marinig kung ano ang importanteng bagay na sasabihin nito.
She won’t let her guard down.
----
Nakaupo na kami ngayon sa loob ng starbucks. Nirequest nyang wag kaming umupo malapit sa wall glass. Para bang may pinagtataguan sya.
“Anong kailangan mo sa’kin?” Bungad ko nung medyo maayos na ang pwesto namin.
“Kahapon ko lang din nalaman ito.” Unang sabi nya saka nagpatuloy. “Naaalala mo pa ba nung unang beses tayong nagkaroon ng united family dinner?” Tanong nya. Naalala ko pa yun lalo’t iyon din yung time na nagkaroon kami ng deal ni Zayne.
“What about it?” Tanong ko.
“Nakilala mo si Mommy Jaica. Yung Mommy ni Jhay.”
“Oh! Iyon yung unang beses na nakita ko siya.” Sagot ko.
“Nabanggit ba ng Mommy mo na magkaibigan na sila noon pa?” Tanong nya sa’kin. Nakikinig lang naman ang tatlo.
“Wala naman syang nababanggit sa’kin tungkol dyan. Ang alam ko lang masama ang timpla sa’kin ng Mom ni Jayden.” Sabi ko.
“So totoo nga ang mga narinig kong itinago ka nila kela Mom and Tita Jaica. Matagal nang naging magkaibigan si Mommy Jaica at Tita Krista. Though mas nauna nga lang silang naging magkaibigan ni Mommy. Marahil ay hindi ka din sinasama noon nila Tita Krista kapag nagkikita-kita silang tatlo. Kami lang ni Jhay ang laging kasama. Kahit isang beses lang, hindi ka man lang nila isinama. Maging nung i-anunsyo nilang arranged marriaged na kami ni Jhay. Nung nalaman kong hindi mo pa alam, hindi ko na muna sinabi sayo dahil ayokong biglain ka at mag-iba ang tingin mo sa’kin lalo’t nakikita mo si Jhay na araw-araw may kasamang ibang babae, gayong ako ang fiancee nya. Baka sugurin mo pa sya pag nagkataon. Ayokong isiwalat ang relasyon namin. Nung nakahanda na din akong sabihin sayo ang tungkol sa’min, nagkwento ka naman tungkol sa sakit mo. Pagkarinig ko nun, minabuti kong hindi nalang sabihin sayo. Nabatid ko ring ayaw talaga nila Tita Krista na ipakita ka sa iba. Para bang itinatago ka nila due to some reasons and for your protection. Ang parents ko at parents lang ni Jhay ang may alam sa existence mo at mga impormasyon tungkol sayo simula nung naging kaklase ka namin from Highschool to Senior high.” Tumigil muna sya saglit. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatikom ang bibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...