CHAPTER 14

486 21 1
                                    

"Napaka-babaw naman ng tiwala nila sayo." Kumento ni Zill.

"I can't actually blame them lalo't kilala kaming walang pinapanigang kahit sino." Sabi ko.

"So that's their reason? It's still unacceptable. Dahil kung totoong kaibigan ang tingin nila sayo, hihintayin ka muna nilang magpaliwanag. Lalo na yung ex-friend mong si Nicole. Dapat ay hinayaan ka muna nyang magpaliwanag bago sabihin ang mga masasakit na salitang binitawan nya. You know what Kels? Mas gugustuhin ko pang sampalin ako kesa pagsabihan ng ganun! Kasi yung peklat, nawawala pa yan e! Pero yung sakit ng mga salitang binitawan sayo ng isang tao, lalo kapag galing sa taong naging importante sayo, talagang tatatak yan sa puso't isipan natin e!" Kumento ulit ni Zill.

She's right though...

"I think, they'd just thought that your hacking skills was extremely good. Na hindi ka kailanman papalpak, dahil ni minsan hindi pa kayo nag-failed." Sabat ni Zayne.

"Kaya iisipin nilang nakipag-kuntsaba ka sa client para mawala silang dalawa. That's what they'd thought about you that time." Dagdag ni Zill sa sinabi ni Zayne.

"I know. Naiintindihan ko sila. Kaya nga sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Rumehistro sa utak ko ang mga sinabi ni Nicole na ako ang pumatay kay Martin. Sa kagustuhan kong makalimutan ang lahat ng sakit. I denied everything. Including myself. At dun na nabuo ang sinasabi nilang D.I.D ko. To escaped myself from so much pain." Paliwanag ko. Pero yung sakit, hindi na masyadong nagpapahirap sa'kin.

"That's toxic! Anyway, na-recover nyo ba yung katawan ni Martin?" Tanong ni Zill. Tumango naman ako.

"His body was full of gunshots. Sinundan ko kasi yung trace kung saan sya tinapon after the encounter."

"How about his parents?" Tanong ni Zayne.

"Nagalit of course. Pero lahat kasi kaming kasali, hindi pwedeng i-disclose yung pangalan ng member."

"I see." Sagot ni Zill. "Then how about Nicole? Nasaan na sya ngayon? Hindi ba't galit sya sayo?" Dagdag na tanong nya.

"Simula nung nangyari iyon, hindi ko na sya nakita pa." Sagot ko.

"Ano ba ang relasyon nilang dalawa ni Martin?" Curious na tanong naman ni Kier.

"Ewan ko, ang alam ko lang, gusto na nila ang isa't-isa. Di rin ako updated sa personal life nila. In short, nagkakasundo lang kaming tatlo kapag oras na ng trabaho."

"I see." Tanging nasabi ni Kier.

"Maayos ka na ba, Kels?" Tanong ulit ni Zill. Gustong makasiguro.

"I'm so happy na nakilala ko kayo."

"Naku! Wala yun! Hehe. Masaya din naman akong naging magkaibigan tayo." Nakangiting sabi ni Zill.

"Half bath muna tayo, Zill." Pagyaya ko kay Zill.

"Sama ako! HAHAHAHA." Mapagbirong sabi ni Kier.

"Tss!" Singhal naman ni Zayne.

Nakakamiss marinig ang bawat singhal nya.

Kapag kasi sumisinghal sya, feeling ko, palagi kong kasama ang presensya nya.

"Naku, Kier! Kung gusto mo pang manatiling nakadikit yang eggplant mo, wag ka talagang magkakamali! HAHAHAHAHA! Kay Mommy palang, nakaprito na yang itlog mo! HAHAHAHAHA! Di ako nagbibiro! Ganun talaga si Mommy! HAHAHA Nakakatakot minsan! Buti na nga lang nandyan si Daddy para kampihan kami. Haha, diba robot?" Pag-iiba ni Zill sa topic. Alam kong pinapagaan nya ang mabigat na atmosphere. At hindi naman sya nabigo doon. Lalo't naalala ko sila Tito at Tita.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon