CHAPTER 58

426 14 0
                                    

“Kels, bibisitahin pala namin mamaya yung jail na pinagkulungan kela detective after class. We’re gonna make sure na hindi sila magiging balakid sa’tin in the future. Gusto mong sumama?” Tanong ni Zill. Kasalukuyan kaming nasa school canteen at kumakain.

“If it’s alright.” Sagot ko. Ngumiti nalang siya tsaka kumain ulit.

Natapos ang nakaraang taon na doon namin ipinagdiwang ang New Year celebration sa bahay. Saglit lang din si Zayne na bumisita sa’min pero umuwi din kaagad dahil may family gathering ulit sila. Gusto naman ng parents ko na magdiwang kaming tatlo. Naintindihan naman ni Zayne iyon. Lalo’t alam nilang malapit na akong ikasal. Gusto nilang gumawa ng bonding moments hangga’t hindi pa ako tuluyang natatali. Nag-iisang anak kasi ako ni Mom and Dad at babae pa.

Sobrang swerte ko naman sa mga magulang ko because of that.

------

Tumunog ang intercom hudyat na tapos na ang lunch break.

Nasa classroom na ulit kami.

Namimiss ko naman kaagad si Zayne.

==========

KIER REUBEN ZYRUS POV

Jigas na naman Zayne oh!” Turo ni Gil sa tatlong babaeng naghihintay sa labas ng room. May mga dalang homemade cookies and cupcakes o di kaya nakabalot na regalo.

“Ako na kukuha! HAHAHA!” Natatawang sabi ni Dan saka naglakad palapit sa mga babae.

“Thank you daw, sabi ni Zayne.” Rinig naming sabi niya. Binigay naman ng mga babae ang gifts nila para kay Zayne saka tumili at nagtatakbong umalis.

Wala namang pakialam si Zayne. Nakatingin lang siya sa phone niya. Batid ko ay palaging naghihintay sa oras ng labasan para sunduin ulit si Kelsey.

“Grabe, Zayne, kahit yata alam na nang lahat na engaged ka na, may nagpapadala parin sayo ng mga gifts.” Biro nung kaklase naming si Angelo.

“Ano pa bang bago dun? Si Zayne ang tinutukoy natin dito. Iniisip yata ng mga fans niya na kahit nga yung mga mag-asawa na naghihiwalay parin. HAHAHA.” Sinundan naman ng biro ni Roniel.

Bakante kasi kami ngayon. Nalaman nila ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Zayne at Kelsey. Nakilala din naman nila si Kelsey dahil sa Christmas party namin last year.

“Penge ng karisma Zayne! Baka sakaling bumaliktad sila at magising isang araw na kami naman ang mahal nila at hindi na ikaw. HAHAHAHA!” Hugot ni Justine.

“As if naman may pakialam si Zayne kung hindi na siya mahal ng mga fans niya? HAHAHAHA! Si Kelsey lang malakas eh!” Natatawang sabi naman ni Jet.

Napapailing nalang ako sa biruan nila. Mabuti na rin ngayon at medyo nakakausap na si Zayne. Ito yata ang magandang epekto ni Kelsey sa kanya.

“Tss!” He hissed.

But as expected tipid naman ang mga sinasagot niya.

Inubos namin ang bakanteng oras sa asaran. Sila din ang tumatanggap ng mga regalo para kay Zayne. Wala namang pakialam si Zayne kaya binibigay nya na lang ito sa kanila. 

Mga kaklase lang namin ang nakakita kay Kelsey noon. Siguro ay hindi rin naniniwala ang ibang mga taga-school na may fiancee na si Zayne lalo’t hindi naman nila nakikita na may kasama ito dito sa school.

“Why not dalhin mo si Kelsey dito? Para naman tigilan na nila ang pangungulit sayo.” Suggestion ko.

“Tss! It will just make her uneasy. Seeing those girls giving me gifts and stuffs, you think she won’t be jealous? As much as possible I don’t want to hurt and disappoint her. Also, the possibility na baka pagsalitaan siya ng kung anu-ano. She’ll become a public target. Most of their words are full of shits.” Reklamo niya. Pero bakas parin ang mala-robot na tono ng boses niya.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon