Matapos ang paghihintay ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto at tumambad sa'min ang anim na bata. Nasa likod nila si Miss Sagai at si detective. Wala na ang mga pulis na kasama nito kanina. Marahil ay hawak na ng mga ito ang dalawang culprit na sinasabi ni Miss Javier kanina.
"Welcome back, Ma'am!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bata. Marahil ay nalaman na din ng mga bata kung anong nangyayari.
They're not called brats for nothing. -,-
Ang lalakas ng mga guts nila. To maintain their posture and stay quiet because of the situation.
Nagpaalam at nagpasalamat na din si Miss Sagai kay Detective Dremoire. Umalis naman si detective na may ngiti sa mga labi habang napasulyap sa'min ni Zayne. Naka-thumbs up din ito at nagsenyas ng 'see you again, kids'.
Kinumusta nila si Miss Sagai. Maraming nagtanong sa nangyari. Nakita kong may bakat ng kamay at mamula-mula sa leeg nya. Halatang sinakal sya ng mga kidnapper.
Pero sa ibang parte ng katawan ay maayos naman siya.
"Nakikita mo ba ang masasayang ngiti ng mga batang yan?" Turo sa'kin ni Zill sa mga batang sobrang saya nung makarating sila dito ng ligtas. Tumango ako. "Ang mga ngiting yan na nakikita natin ngayon ay galing sa tatag at determinasyon mong makatulong. It's all thanks to you, Kels. Hindi mo hinayaang kunin ng mga kidnapper ang nakatakdang hinaharap nila. You did a great job of securing their future." Puri nya ulit sa'kin.
Gustong-gusto talagang iparamdam sa'kin ni Zill na sobrang halaga ko. Na naging special sa investigations na ito ang sarili ko. And I really appreciates it.
"By the way, naikwento sa'kin ang malaking contribution ng dalawang camp counselors natin para malutas ang imbestigasyong ito. I heard one of them is from McKinley family, tama ba ako?" Rinig naming boses ni Miss Sagai. Napatahimik naman kaming lahat at napatingin sa kanya. "The two of you, please come forward." She asked me and Zayne.
Napatingin muna ako kay Zill saka sya tumango. Naglakad na ako papalapit kay Miss Sagai. Ganun din si Zayne.
Nung makarating na kami sa harap nya, bigla nya kaming niyakap ni Zayne.
"Thank you so much. I'm so proud for the both of you." She said. She teared up.
Humiwalay sya sa yakap at tumingin kay Zayne.
"You looked just like your Father." Sabi ni Miss Sagai.
Huh?
Kilala nya si Tito Zac?
"Thanks." Simpleng sagot ni Zayne.
"Dating Instructor ng mga magulang mo ang Mom ko. They saved my mother from Mr. Fajardo's scheme. Di ko lang alam kong naikwento ba sa inyo ng parents nyo. Pero di ko makakalimutan ang pagtutulungan nilang magkakaibigan noon para iligtas ang Mom ko. Kinulong nila si Mom sa isang secluded place para magpanggap si Fajardo na kapatid ni Mom. Yun ang kwento nya sa'kin." Paliwanag ni Miss Sagai.
(A/N: Nasa first series ang eksenang ito, kung nabasa nyo.)
So that's how it is.
Hindi naman nagsalita si Zayne. Marahil ay hindi ito nabanggit sa kanya nila Tito Zac at Tita Fiya.
"You are Miss Alonso, right?" Tanong nya sa'kin. Tumango naman ako. "You're family name sounds very familiar. Nakalimutan ko lang kung saan ko iyon nakita at narinig." Sabi nya. Parang inaalala din nya kung saan nya nalaman ang tungkol sa apelyido namin.
"Baka kaapelyido lang po namin. Hindi naman kami masyadong sikat. Hehe." Sabi ko. Hindi naman sya nangulit pa.
"Baka nga. Anyway, magpahinga na kayong lahat. Nagpatawag na din ako ng guards na magbabantay sa labas nitong children's room. We will still continue our camp tomorrow. So better rest and save your energy tonight." Utos nya sa'min.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...