Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina. Naaamoy ko kasi ang masasarap at mababangong mga ulam na niluto ni Zayne.
Nakasuot lang ako ng roba dahil sa kwarto na ako magbibihis. Nandun naman ang mga damit ko. -.-
Nakita ko syang naglalapag na ng dalawang pinggan at baso. Ang kanin at mga ulam ay nasa ibabaw na rin ng hapagkainan. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga putaheng niluto nya. Pero natitiyak kong masasarap ang mga ito.
Ang alam ko lang ay may gulay at karne. Haha.
Nakita nya ako at pinaghila ng upuan. Iginiya nya ako doon. Parang feeling ko naman, lahat ng bulate sa tiyan ko parang gustong lumabas at makipag-agawan sa’kin sa mga pagkain.
“Wow! Ang sasarap tingnan! Excited na tuloy akong matikman ang mga luto mo, Zayne!” Bulalas ko.
“Tss!” Singhal nya.
“Time to dig in!” Sambit ko sabay pinapatunog ang kutsara’t tinidor.
“You’re noisy. Just eat the food.” Parang naiiritang sambit nya. Pero wala naman sa mukha nya ang expression ng pagkairita.
Hindi na rin ako nakipag-talo lalo’t gutom na din ako. Hindi kasi ako nakakain ng hapunan kagabi.
“Nga pala, saan tayo pupunta ngayon? Nabasa ko sa message mo may pupuntahan tayo ngayon at gusto mong magpasama.” Tanong ko.
Mas gusto kong parte sa ibang bagay ang topic namin. Ayokong bumalik ang topic patungkol sa pamilya nila. At alam naman ni Zayne iyon.
“That, let’s watch a drive-thru films.” Sambit nya.
Teka! Totoo nga kaya ang hula ko? Gusto nyang makipag-date?
Eeehhhhhh! Hehe.
“Manonood tayo sa sine? Are you asking me for a date?” Nakangiting tanong ko.
“It’s not a date. I’m just asking you to accompany me.” Simpleng sagot nya saka sumubo ng pagkain.
Nag-umpisa na din akong sumubo. Nanlaki pa ang mga mata ko nung matikman ang mga ulam na niluto nya.
The aroma. The savory taste. The classical dressing. It’s all perfect! This is the royalty Zayne’s cooking. At sobrang sarap at nakakaadik.
Nahiya naman ang cooking skills ko na umabot lang sa Lvl 5 over Lvl 10.
“Ang galing mo, Zayne! Andami mong alam! Hahaha! Grabe! Mas lalo akong nahuhulog sayo!” Bulalas ko.
Napasulyap naman ako sa kanya nung maubo sya.
“Oy! Zayne, ayos ka lang?” Nagtatakang tanong ko nung maka-inom na sya ng tubig. Tumigil na sya sa pag-ubo at halata din ang pamumula ng ilong nya. “Anyare sayo? Ba’t ka nasamid?”
“Tss! Stop shouting, Wolf!” Singhal nya.
“Hindi naman ako kumanta ah?”
“Ah! As if I acknowledge your singing. You’re just roaring.” Tukso nya.
“Oy! Grabe yung roaring, huh?” Tampo ko kunwari.
“Just finish eating so we can go already.” Mariing sabi nya.
“Sus! Natatalo ka lang ka’mo sa asaran kaya iniiba mo ang topic!”
“Really?” Tanong nya saka nagsalubong ang magkabilang kilay.
Napatayo sya sa kinauupuan. Napansin ko rin na tapos na syang kumain.
Ininom nya muna ang tubig sa baso saka tumingin ng diretso sa’kin pagkatapos ilapag ang baso pabalik sa mesa.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...