Pagdating namin sa mansion nila Zayne. Sobrang ganda naman ng mga palamuti sa paligid. Kumikinang at talagang agaw-pansin. Gabi na kasi nung matapos ang ceremonies nila.
Pagbaba namin sa limousine ay maiingay na din sa loob ng mansion. Sinalubong kami sa labas ng malaking pintuan mismo ng mga nakahilirang maids and butlers nila Zayne.
"Maligayang pagbabalik!" Sabay-sabay na sabi nila.
"Oh no! Don't be. Kumusta pala ang mga bisita?" Tanong ni Mommy Fiya.
"Maayos naman po." Sabi nung isang maid.
"Good." Tipid na sagot ni Mommy Fiya. "Kumain na ba kayo?" Tanong niya sa mga ito.
"Kanina pa po Ma'am bago dumating ang mga bisita."
"Anong oras ba silang dumating?"
"Mga 20 minutes palang siguro. Sabi nila, mga kaklase daw sila ni Zill." Sagot nung isa.
"Okay. Pasok na tayo." Pagyaya ni Mommy Fiya. Tumango lang kami.
Pagkapasok namin sa loob ay nakuha namin ang atensyon ng lahat nang nakaupo. Naka-formal wear ang mga ito. Alam nilang mansion ang pupuntahan nila at hindi ordinaryong pa-blow out lang.
Lahat sila ay nagsitayo mula sa pagkakaupo.
"Good evening po, Ma'am and Sir." Sabay-sabay na bati nila kay Mommy Fiya at Daddy Zac.
"Good evening guys. You can call me Tita Fiya instead. And he's my husband Zen. Call him Tito Zac." Pakilala ni Mommy Fiya. "Kumain na ba kayong lahat?" Dagdag na tanong niya.
"Hinihintay po namin si Zill." Sabay-sabay na aniya nila. Totoo namang hinihintay nila si Zill.
"Wow! Really? Anyway, thank you for coming." Natutuwang sabi ni Zill.
Nakita namin ang sabay-sabay na horizontal line formations nila.
Tapos may binuksan silang banner. Nakatalikod pa muna ito sa'min saka hinarap din kalaunan.
"CONGRATULATIONS TO BOTH OF THE TWINS!" Sabay-sabay na sabi nila. Ang nakasulat naman sa banner ay 'congratulations'.
Nakangiti at halos di makapagsalita si Zill. Sobrang natutuwa naman ako dahil nandito sila ngayon.
Isa-isa silang nagbigay ng regalo kay Zill.
"Thank you, guys." Sabi niya sabay naluluha.
"I'm so happy for you, Zill." Sabi ko. Kahapon pa kasi ako nagbigay sa kanya ng regalo.
Nung matapos sila sa pagbibigay ng regalo ay saka naman nagsalita si Mommy Fiya.
"Alright, guys, kumain na tayo." Alok niya.
Saktong bumukas naman ang malaking double doors nila sa entrance.
"Good evening po!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito nung makapasok na silang lahat.
Mga kaklase nila Zayne at Kier naman ngayon ang nandito. Sa likod naman nila ay ang mga Instructors namin at Instructors nila Zayne.
"Oh! Nandito na pala kayong lahat. Nakahanda na din ang mga pagkain." Rinig kong boses ni Mommy. Nagmula siya sa hallway kung nasaan banda ang kitchen nila Zayne.
"Mom? You're here too?" Tanong ko.
"Oo anak, inimbitahan kami ni Zayne." Sabi ni Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...