Ilang oras lang din ang nakalipas nung marinig namin ang tunog ng helicopter. Palagay ko ay alas dose na nga. Marahil ay sila Zayne din ang may-ari nito dahil sa may nakaukit din na kapareho sa emblem nila.
Naglanding ito medyo may kalayuan sa amin para hindi madala ng malakas na hangin ang mga buhangin papunta sa’min.
Lumabas na kaming pareho ni Zayne sa ginawa nyang shelter. Sakto naman ding paglabas ng dalawang rescue. Tumakbo agad ang mga ito saka lumapit kay Zayne dahil siya ang may benda sa’ming dalawa.
“I’m fine. I’ve already applied the first treatment.” Agad na sabi ni Zayne sa dalawang rescue. Tumango lang ang dalawang rescue at nagbigay ng damit para suotin ni Zayne. Marahil ay pinahanda ito ni Zill.
Hinawakan muna ni Zayne ang kamay ko saka kami naglakad papasok ng helicopter.
Ano kayang nangyari sa Mommy ni Jayden?
---------
Nakabalik kaming ligtas sa isla kung saan naghihintay sila Zill at Kier. Wala na ang mga kaklase namin. Sa tingin ko ay nagsibalik na sila kahapon pa. Nagpaiwan lang sila Zill at Kier para sa’ming dalawa ni Zayne. May mga awtoridad na din sa paligid. Kasama nila sila Tita Jaica at Cheska.
Malamang ay magkasabwat sila sa nangyari.
Pagkalapag ng helicopter sa buhangin ay agad lumapit ang dalawa.
“Kels, are you okay?” Tanong sa’kin ni Zill.
“Bro, what happened to you?” Tanong naman ni Kier kay Zayne. Napatingin tuloy ako sa seryosong mukha niya.
“I’m fine. Just small scratches.” Tanging sagot ni Zayne.
“I’m fine Zill. Thanks to Zayne. Sorry for being reckless. Nakidnap tuloy ako.” Paghingi ko ng paumanhin. Kasalanan ko rin kasi kung bakit muntik na akong mapahamak.
“There’s nothing wrong about saving a kid.” Sabi ni Zill sa’kin.
“Alam nyo ang tungkol sa pagsagip ko sa bata?” Nagtatakang tanong ko.
Nakita nya ba ako?
“Yes! Sila ang dahilan kung bakit nahuli ang Mommy ni Jayden. Sila kasi ang naging witness nung bigla kang binatukan saka binuhat ng walang malay.” Paliwanag ni Zill.
May magandang naidulot din pala ang pagtulong ko sa bata.
“So what’s your plan now?” Tanong ni Kier kay Zayne.
“Send them to jail.” Tanging sagot ni Zayne nang walang expression ang mukha. Nakita ko ang pag-iyak ni Cheska.
Naaawa naman ako sa kanya.
Lumapit si Zayne kay Cheska saka nagsalita.
“You've really disappointed me, Cheska. I’m really pissed with what you did to my woman.” Walang emosyong sabi ni Zayne. Mas lalo namang naiyak si Cheska. Halata din ang pagsisisi niya.
“Zayne, baka pwedeng patawarin nalang natin si Cheska. I can’t blame her kung nagkagusto man siya sayo at nagawa nya iyon para mapunta ka sa kanya. Love is mysterious in it’s own way. It’s just that, nag-sobra nga lang yung pagmamahal niya at naging obsession din sa huli. I can’t forgive you yet, Cheska for doing this to us. But I can give you a chance na magbago. Dahil kung meron man akong natutunan sa pamilya nila Zayne. Isa na doon ang pagpapatawad. Pero bago iyon... let me atleast do this.” Sabi ko sabay malakas na sinampal sa mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...