Tahimik lang kami buong byahe. Nakarating na din kami sa Ahpo village pagkatapos ng ilang oras.
Kasalukuyan kaming nasa sala sa bahay nila Mom Fiya dito sa village habang naghihintay sa pagdating nila Daddy Zac. Narescue na daw nila ang parents ko. Yun lang ang sabi sa’min. Pero hanggang ngayon ay wala parin sila.
Si Zayne naman at si Kuya Kokoy ay nag-uusap pa sa labas ng bahay. Si Mommy Fiya ay nasa kwarto nya. Si Ate Keisha ay nasa kusina at naghahanda ng hapunan naming lahat. Nalaman nya kasing papunta din dito sila Daddy Zac maging ang mga kaibigan at tauhan nila kasama ang parents ko.
Kinakabahan na ako at nag-aalala. Lumapit sa’kin si Zill.
“Kels, you okay?” Tanong nya.
Naririnig ko naman sa earpiece ang pagsipol-sipol ni Zic na para bang may sinusunod na tono ng kanta.
“Yeah, I’m fine.” Sagot ko. Pero alam ko namang hindi kumbensido si Zill.
Wala ding sinasabi si Zic patungkol sa nangyayari sa banda nila. Panay sipol lang sya.
“Gusto mong kape?” Tanong naman sa’kin ni Zill.
“It’s fine, Zill. Nag-aalala lang ako kela Mom and Dad.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi naman kita masisisi dahil mahal na mahal mo ang parents mo. Pero Kels, Daddy will surely rescue them alive.” Pag-aalo sa’kin ni Zill. Para bang sinasabi nyang wag akong mabahala dahil magiging maayos din ang lahat.
“Mom... Nakikita ko na po ang tracker ni Daddy na palabas na ng hide-out.” Rinig naming sabi ni Zic sa transmitter.
“Mag-iingat kayo, Zic. Ayos ka lang ba dyan? Mag-isa ka lang na look-out sa labas, remember?” Paalala ni Zill sa kapatid, pero halata sa mukha nyang hindi sya masyadong nag-aalala. Marahil ay malaki ang tiwala nya sa ama at sa kapatid nya.
“Paglabas nila Dad sa hide-out, dederesto kaagad kami dyan. Rescuing lang naman ang priority namin dito. We’re avoiding any combat fights.”
“Mag-iingat kayo, Zic.” Rinig kong sabi ni Mommy Fiya mula sa transmitter.
“Don’t worry Baby, we’ll be safe. Just wait for our arrival. Though, we couldn’t bring back the statue. They hide it somewhere and we don’t have enough time to find and get it. For sure alam na din nila na may nakapasok na kalaban sa hide-out nila. Also, we’ve found Percy Fajardo sa mismong lungga nila. He’s doing the command towards his people including Dremoire.” Balita sa’min ni Daddy Zac.
“It’s fine, Dad. We can take it back soon. For now, you need to get out of there alive.” Sabi ni Zayne sa ama.
“Wag kayong makipag-engaged sa combat fights.” Tugon ni Mommy Fiya.
“Ah! Palabas na din kami.” Daddy Zac responded.
Wala na ding nagsalita pa. Tumigil na si Zic sa pagsipol. Nasisiguro kong paalis na din sila.
=========
Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay narinig namin ang pagsasalita ni Zic.
“Mom, malapit na kami sa village.”
Nagtipon-tipon na din kami sa may sala banda. Hinihintay ang pagdating nilang lahat.
---
Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa marinig na namin ang tatlong tunog ng dambana sa loob ng village.
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...