CHAPTER 43

456 16 0
                                    

“Pero napansin ko naman na masyado syang kalmado ngayon kahit pa sabihin nating galit sya.” Nagtatakang sabi ni Zill.

“Maybe because of Ate Kelsey?” Patanong na sagot ni Zic. Hindi rin sigurado.

“That’s right! Kung wala dito si Kelsey, malamang ay pumunta sya kila Tito at Tita sa kwarto to request something awful.” Dagdag na assumption ni Zill.

“Yeah! Maybe, Ate Kelsey’s like a remote control to deactivate Kuya Zayne’s angry mode!” Bulalas ni Zic.

Oh no! What are they saying?

Anong akala nila kay Zayne? Robot? Like literal? Anong mode?

Pano nila nagagawang mag-joke at mag-asaran sa kalagitnaan ng seryosong usapan? -.-

I think, only them can do that!

Napa-face palm nalang ako.

“Kaya pala nung nalaman nyang nasa panganib si Ate Kelsey at ang parents nya, parang kalmadong galit lang sya. He doesn’t wanted to messed up. Dahil kapag naglose control sya, it’s really game over. Natuto syang kontrolin ang galit nya para kay Ate Kelsey.” Dagdag ni Zic.

“You should really stay alongside him, Kels.” Suggestion ni Zill.

“I second the notion. Haha!” Natatawang sabi ni Zic.

“Tsaka naaalala mo pa ba nung pauwi tayo galing camp? May humarang na tauhan nila Nicole, balak ka nang kunin sana. Kaso tulog ka nun eh! Haha inunahan ko na si robot! Baka kapag sinaktan ka nila, biglang magwala ulit! Hahaha.” Natatawang paliwanag nya.

Napapakamot ng ulo nalang ako dahil nga tumatawa parin siya sa kabila nang nangyari. Naniniwala naman ako sa kwento niya kahit parang nagbibiro lang siya tingnan. -.-

Sakto namang dumating na si Ate Keisha dala ang isang tray na may lamang mga tasa ng kape.

“Where’s the two?” Tanong nya.

“Nasa room. Operating something.” Sagot ni Zill. Mukhang nawala na din ang pag-aalala nya. Marahil ay napalitan ng kaba dahil sa pinakita ni Zayne na masamang tingin kanina.

“I see. They’re all so busy. Sana naman hindi nila napapabayaan ang kalusugan nila.” Nag-aalalang sambit ni Ate Keisha. “I also heard kung anong nangyari sa labas. Sana talaga matapos na ang lahat ng ito. Marealize nang mga kumakalaban kela Ate Fiya na nagkamali sila ng binabangga.” Dagdag na sabi nya.

Wala nang nagsalita pa. Tahimik kaming apat na sumisimsin ng kape sa may sala at kasalukuyang naghihintay sa resulta. Dalawang resulta mula sa loob at labas ng village.

------

Naubos ang kape namin habang naghihintay. Unang lumabas sila Zayne at Kier sa kwarto. Salubong ang mga kilay nya pero wala na ang awra nyang nakakatakot kanina. Nakabalot ng benda ang katawan ni Kier. Hindi naman buong katawan. Saktong benda lang kung nasaan banda ang tahi nya.

“It’s a programmed device na kapag nagsalita sya hingil sa plano nila detective, just one word, it will automatically explode inside his body.” Brief explanation ni Zayne nung makalapit na sya sa’min.

“Nasaan na ang device, Kuya?” Tanong ni Zic. Marahil ay may gustong imbestigahan ulit.

“I deactivated it. Inside my room.” Tugon nya sa tanong ni Zic.

“Gusto ko lang kasi malaman kung saan po nila nakukuha ang mga technologies o gadgets na ginagamit nila para pahirapan tayo? Kagaya nalang po nung hikaw ni Ate Kelsey? Yung chip po sa likod ni Kuya Kier? I don’t know but I have this feeling na hindi sila normal na inventors lang. Gusto kong makilala kung sino man ang pinagkukunan nila nun. Then I’m going to make a deal.” Paliwanag ni Zic.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon