CHAPTER 36

487 19 0
                                    

Lumabas muna ako ng bahay saglit pagkatapos naming kumain. Nakapagbihis na din ako into casuals dahil naiilang akong gumalaw sa suot ko kanina. Buti nalang at may mga damit sila ditong hinanda para sa’min. Batid kong request din nila Zayne.

Nasa likod ako ngayon ng bahay nila. Meron kasing maganda at may kalakihang fish pond dito. At ang nakapaligid sa pond ay mga naggagandahang bulaklak at halaman.

Nakaupo ako ngayon sa loob ng gazebo. Nasa gitna kasi ito ng malawak na pond.

I can’t believe na tutulong ang pamilyang McKinley para sagipin sila Mom and Dad! Alam kong yung USB ang habol nila to win this battle. But then, they've prioritized my parents over that important thing that they needed in order to destroy their enemies.

At hindi ko maipagkakailang sobrang swerte ko dahil nakilala ko ang pamilya nila. Ika nga ng marami, kapag may nawala sayo, agad din naman itong mapapalitan ng bago.

Nawala man sa’kin si Rachel at ang dalawang kaibigan ko sa trabaho noon na sila Martin at Nicole, napalitan naman ito ng di matatawarang biyaya sa buhay ko ngayon.

“You’re just here.” Rinig kong sabi ng matipunong boses sa likod ko. At kahit di na ako lumingon ay nakilala ko naman kaagad kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

Akmang haharap na ako sa kanya nung maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay nya sa katawan ko.

>//////<

Zayne?

Pakisabi naman kung bigla mo akong yayakapin para maging handa ako!

Hindi ulit ako naka-react kaagad sa ginawa nya. Nararamdaman ko parin ang mabilis na pagtakbo ng puso ko na para bang gusto nitong magwala sa loob ko. Nangatog ulit ang tuhod ko. Ganito parin ang epekto nya sa’kin kahit pa alam kong engaged na kami.

“Zayne...” Naiusal ko saka hinawakan ang mga kamay nyang nakapulupot sa katawan ko.

“Hmm..” Malambing na sagot nya.

“A-anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya. Medyo nautal din ako dahil sa kilig at kaba.

“I’ve been looking for you.” Sagot nya.

Sumagi naman sa isip ko yung tungkol sa USB na kailangan nila.

“Zayne, bakit nga pala sinuko nyo ang paghahabol sa USB para lang iligtas ang parents ko?” Tanong ko.

Narinig ko ang buntong-hininga nya. Pagkatapos ay naramadaman ko ang baba nyang ipinatong sa kanang balikat ko. Pati ang mainit na hininga nyang nasa may gilid ng leeg ko banda ay hindi rin nakatakas sa pandama ko.

“It’s obviously because a living person is more important than a lifeless things.” Simpleng sagot nya. Bumitaw sya sa yakapan namin. Hinawakan nya ang kamay ko. Napasunod naman ako sa kanya nung umupo sya sa isang mahabang bench sa loob ng gazebo. Naupo na din ako.

>////////<

Nag-init ang mukha ko dahil sa sunod na ginawa nya. Nahiga siya and he's currently using my lap as his pillow. Napalunok ako ng maraming beses. Sobrang lapit ng mukha nya sa boobs ko. Inayos ko ang pagkakaupo lalo’t nakatingin sya sa’kin.

WAAAAAAHHH! ZAYNEEEE! Baliw na nga ako, mas lalo mo pa akong binabaliw! Mukhang tama nga ang sinabi mong hindi na gagaling pa ang pagkabaliw ko sayo! Mas lalo lang itong nadadagdagan! With each passing day, mas lalo kitang minamahal. Mas lalo akong nahuhulog sayo.

Pero bago pa tuluyang magsalita sa kanya ang puso ko, minabuti kong gumawa nalang ng makabuluhang topic.

“N-nandun na tayo, Zayne. Pero diba, importante din sa inyo yung USB? Ito talaga ang habol nyo diba? Lalo’t sila ang sumira sa pamilya nyo noon?” Sunod-sunod na tanong ko kahit medyo utal. Wag lang talaga syang gumalaw.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon