Mabuti at naging maganda ang flow ng usapan nila. Wala mang ekspresyon ang mukha ni Zayne ay halata namang sya ang nagdadala sa kung anumang pinag-uusapan nila. Talking about business again. Sinabi nya sa mga ito ang standard revenue ng company nila. It’s up to our parents kung i-memeet nila iyon or magpapabayad sila ng cash.
Baliktad kasi sa posisyon nila. Ang mga investors din ang higit na nangangapa na tanggapin ang mga proposals nila dahil sa mga royalties sila Tito Zac.
“Zayne, don’t you know that Anthea likes you?” Pag-iiba ng topic ni Jayden. Sumingit lang bigla para ipahiya ulit ako.
O___O
What the------?
Napatingin si Zayne sa’kin. Sinamaan ko ng tingin si Jayden lalo’t ngumisi ulit ito.
“About that...” Napatingin kaming lahat nung humarap sya kay Daddy. “I’m also here to officially announce that I’m going to court your daughter, Uncle Kylde.”
I’m going to court your daughter
I’m going to court your daughter
I’m going to court your daughter
Huh?
“What?” Gulat na tanong ko.
Hinawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng table saka pinisil iyon. So sobrang kilig ko dahil sa ginawa nya ay nagbaba ako ng tingin at biglang natameme.
“T-totoo ba yan, Iho?” Utal ngunit halata ang pagka-excite sa boses ni Daddy.
Damn! Wag masyadong pahalata na masaya ka, Dad. Hindi bobo ang kausap nyo.
“Yes. The reason why I can’t tell her how I feel it’s because I want to ask for your permission first.” Walang emosyon at pormal na sabi nya.
“O-of course, Iho. Basta ba’y masaya ang anak ko. Suportado ka namin.”
“Good. Then, can we talk in private? If you’ll excuse us?” He excused himself habang hawak parin ang kamay ko. Tinulungan nya akong tumayo. Natameme at tumango nalang sila Mom at Dad.
Napasulyap ako kay Tita Fiya na malapad ngayon ang ngiti nung makita ang anak nilang effort na effort para sa babae.
But I know, this is just an illusion.
Naglakad na kami palabas ng restaurant. May bench naman sa ilalim ng puno na nasa labas kaya dun kami naupo.
Nung mapansing medyo madilim sa pwesto namin at hindi naman kami masyadong natatanaw mula sa loob ay binitawan nya na ang kamay ko.
“We can pretend infront of your family. And also towards blabbermouth and humbug.”
Blabber—what?
Humbug?
Ano daw yun?
Huh?
Is that his way of naming people?
“Sino ang tinutukoy mo?” Nagtatakang tanong ko.
“I’m talking about your ex-crush and ex-bestfriend.” Sagot nya.
“What do you mean about blabbermouth and humbug?”
“Tss!” Singhal nya. Naiirita na sya sa pagiging palatanong ko.
“Okay! Okay! Mag-search nalang ako sa Google!” Bawi ko. Baka magbago ang isip nyang tulungan ako.
“Bakit mo ako tinulungan?” Tanong ko ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...