CHAPTER 37

463 14 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na dala-dala parin ang ngiti sa labi ko dahil sa mga sinabi ni Zayne sa’kin kagabi.

Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. I saw Mom and Dad too na kumakain na nang umagahan kasama sila Mommy Fiya, Zill, Kier, Ate Keisha and Kuya Kokoy.

Hindi ko naman nakita sa hapagkainan ang tatlo. Sila Zayne, Zic and Daddy Zac.

“Where’s Zayne?” Tanong ko.

“Asuuus! Nawala lang saglit, namiss talaga kaagad eh! HAHAHA Anyare kagabi? Mukhang maganda ang bungad nang araw sayo ngayon ah? Duda ako sa mga ngiting tagumpay na yan!” Umagang bungad na panunukso ni Zill sa’kin.

“Ano ka ba? Nature ko lang ngumiti tuwing umaga.”

“Malamang! Hahahaha!” Tulak nya pa lalo sa panunukso sa’kin. Mas lalo namang nag-iinit ang buong mukha ko.

“Let it be, Zill.” Malditang saway ni Mommy Fiya.

“Si Zic at Dad may importanteng nilakad. Lumuwas muna ng syudad. Si Zayne naman nasa training ground. Nagtuturo ulit sa mga bata at mga teenagers ng self-defense.” Matinong sagot ni Kier sa’kin.

“Kumain ka muna, Kelsey.” Pagyaya sa’kin ni Mommy Fiya.

“Opo.” Sagot ko saka naupo sa katabing upuan ni Mommy.

“Ayos lang ba sayong dito muna tayo, anak? Nag-offer kasi si Sophia na dito na daw muna tayo. Yun ay kung papayag ka din. Just to make sure that we’re going to be okay.” Tanong sa’kin ni Mom.

“Ayos lang Mom.” Sagot ko.

Ayoko namang maging pabigat kay Zayne at sa pamilya nila. It’s true na hindi nila iisiping pabigat kami, pero ayoko namang kami ang maging dahilan ng pagkasira ng mga plano dapat nila.

Nagsimula na din akong kumain. Nag-uusap lang silang lima nila Mommy and Daddy habang sweet naman ang dalawa.

At ako lang ang walang kausap ngayon. >.<

“Mom.” Rinig kong pamilyar na boses sa likod ko. Namula ulit ako nung maalala yung ginawa namin kagabi.

Like, haaaaahh? Muntik ko na syang ma-rape kagabi. HAHAHAHAHA kung hindi lang sya nagpigil!

Napansin kong umupo sya sa katabing upuan ko.

“Magpahinga ka muna Zayne bago kumain. Tsaka andami mong pawis.” Saway ni Mommy Fiya. Hindi naman sumagot si Zayne kaya napatingin ako sa kanya.

O_____O

Oh my Asiete de manzanilla! Kumikinang ang makisig na katawan ng mahal ko dahil sa pawis nya.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay nyang may hawak na maliit na towel. Napansin kong napatingin silang lahat sa ginawa ko. Including Zayne.

“What?” Nagtatakang tanong ni Zayne. Kunot-noo syang nakatitig sa’kin. “You want to do it?” Tanong nya sabay abot sa’kin ng hawak na towel. Tumango ako at tinanggap nalang iyon.

Napalunok ako ng maraming beses nung makita ang makatulo laway at makalaglag panty na katawan nya.

Narinig ko ang maliit na bungisngis ni Zill na para bang nanunukso. At alam kong kahit di na ako lumingon sa likod ko, nararamdaman kong nakangisi na ang lahat habang nakatingin sa’min ni Zayne.

Dahan-dahan kong nilapat ang towel sa chest nya banda. Nanginginig naman ang kamay ko dahil malaya kong nakikita ang makisig na katawan nya.

With a complete package of abs!

Nakita ko syang ngumisi. Dun naman ako napakurap-kurap dahil alam kong may pinaplano syang hindi maganda.

Este maganda. Hahaha

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon