CHAPTER 18

505 22 6
                                    

Nagbihis muna sya bago kami sabay na kumain. Nakatutok ang paningin ko kay Zayne habang kumakain. Nagbabakasakaling maalala ko yung sinasabi nya kanina patungkol sa unang pagkikita ‘daw’ namin.

“You know it’s rude to stare at someone while eating, right?”

“I can’t helped it. You left a question mark on my head at nagbabakasakaling mahanap ko ang sagot sa gwapong mukha mo.”

“Tss!” Singhal nya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

And here we go again, His usual treatment.

Hindi parin nawawala ang pagtitig ko sa kanya hanggang sa matapos kaming pareho.

Napabuntong-hininga naman ako nung wala talaga akong maalala.

“Giving up?” Tanong nya.

“Of course not!” Sagot ko.

Like the hell I would easily give you up!

“You’re really looking forward for a kiss, huh?” Pang-aasar nya, pero tamang-tama lang na kaming dalawa lang ang makakarinig.

Alangan! HAHAHAHA! Tapos mapasakin ka! Haha. Syempre, I’m greedy eh!

Tinapunan ko nalang sya ng masamang tingin. Hindi na ako sumagot.

Niligpit nya ang pinagkainan namin saka iyon tinapon. Naglakad naman sya papasok sa banyo nila.

Napansin ko ang paglabas ng dalawang kasamahan nilang lalake. Wala pa naman dito si Kier. Marahil ay kasama ulit si Zill.

Lumapit sa’kin si Cheska.

“Kelsey, I’ll be honest with you. I don’t like you.” Panimula nya.

Huh? Tinatanong ko ba?

“Wala akong maalala na tinanong kita sa kung ano ang impression mo sa’kin.” Simpleng sagot ko.

“I’m just telling you because I want you to stay away from Zayne.” Parang nagbabantang sabi nya.

“I’ll accompany you everywhere to find my f^cking care.” Sagot ko.

Paminsan-minsan talaga lumalabas ang pagkamaldita ko. -.-

“You don’t know what I’m capable of?”

“Same goes for you, you don’t know what I’m capable of.” Pagbabalik ko sa sinabi nya.

“You sh^t! Sick woman! Zayne’s mine!”

“At anong gusto mo? Ibigay ko sya sayo? Ano ka, gold?”

Nakita ko naman ang pagpupuyos nya ng galit. Sinamaan nya pa ako lalo ng tingin.

“Then, may the best woman, win!” Hamon nya.

Napaka-desperada naman nya! Marahil ay hindi gumagana ang kahit na anong mga taktika nya kay Zayne kaya ako ang pinagdidiskitahan.

“I don’t care! Kahit wala akong gawin, mapupunta parin sya sa’kin.” Pagyayabang ko.

Kelangan ko lang maalala kung saan kami unang nagkita.

Narinig ko naman ang pag-click ng knob ng pinto sa banyo. Napasulyap si Zayne sa’min ni Cheska. Nagsalubong ang dalawang kilay nya.

Naglakad sya papunta sa direksyon namin. Inirapan ako ni Cheska saka sya naglakad palabas ng cabin.

“Are you in trouble?” Tanong nya. Umiling naman ako. “Hatid na kita sa kwarto mo.” Dagdag nya.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon