CHAPTER 42

432 19 0
                                    

Si Daddy Zac na ang kumausap sa mga police sa buong pangyayari at detalye.

Lumabas muna kami ng basement. Naghihintay sa susunod na mangyayari. Naibalik na din sa wrist ko ang watch na binigay ni Zic sa’kin.

Buti at hindi rin nagtagal ay lumabas na si Daddy Zac. Kasunod naman nya ay ang dalawang pulis na may hawak sa nakaposas na si Percy.

Nagpaalam na ang mga pulis kay Daddy Zac. Batid ko nama’y kaibigan nya ang mga ito.

Hinawakan ni Zayne ang kamay ko. Kanina pa kasi syang nasa tabi ko. Sinundan naming lahat ang mga pulis na may hawak kay Percy hanggang sa makalabas na sila sa malaking gate ng village.

Tumatawid palang sila sa tulay nung biglang itulak ni Percy ang isang pulis at makuha ang baril na nasa likod nito.

Damn that Percy! He’s so persistent!

Automatic namang humarang si Zayne sa harapan ko. Si Daddy Zac naman ay humarang sa harapan ni Mommy Fiya, while both Zic and Kier stands infront of Zill. Nakahanda ang mga itong sumugod kay Percy.

“Like I’d let you put me in jail!” Sigaw nya habang nakatutok parin sa’min ang baril na hawak nya.

Wala namang nagsasalita ni-isa sa mga McKinley family. Di ko alam kung bakit. Feeling ko ay nag-oobserve din sila and at the same time nag-iisip sa pwedeng gawing hakbang para matalo si Percy.

Nakabangon na din ang pulis na tinulak ni Percy kanina. Napansin ko namang yung isa ay dahan-dahang bumubunot ng baril nya para hindi mapansin at hindi mahalata ni Percy. Tutok lang ang mga mata at baril nito sa’min.

“I’d rather die than be put in jail forever! I’m going to die on my own hands, not in your hands, filthy creatures!” Sigaw nya. Nagulat ako sa sunod na ginawa nya.

O.O

Tumalon sya sa may malalim na bangin.

“Oh! My!” Rinig kong gulat ni Zill. Maging sya ay nagulat din sa ginawa ni Percy.

Sa pagkakaalam ko, may spike sa ibaba nito na pwedeng makapatay ng tao.

May tinawagan si Daddy Zac na batid ko ay rescue na magkukuha sa katawan ni Percy. Alam nilang hindi na ito papalarin pa. Ibig sabihin lang nun, matutulis ang mga spike na nasa ilalim. Maliban pa dun, mataas din ang bangin. Nasisiguro kong kahit walang spike, panigurado naman akong mamamatay parin sya sa lalim ng tinalunan nya.

Dahil sa pride nya, mas pinili nyang patayin ang sarili kesa mapaslang pa sya ng kinikilala nyang mga kalaban. Ayaw nyang maging magkapareho ang wakas nila ng kapatid nyang si Pierry. Ayaw nya ding pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanang nagawa nya.

“Tss!” Rinig kong singhal ni Zayne habang nakatingin sa ilalim ng bangin.

Napakapit ako sa braso nya. Tumingin sya sa’kin saka ako inakbayan.

“Are we safe now?” Tanong ko.

“With or without them, I’ll make you safe, everyday. Just always stay alongside me.” Walang emosyong sabi nya. Pero kinikilig parin ako sa mga linyahan nya.

“Kelsey, Zill, Zayne, Zic and Kier, pumasok na muna kayo sa bahay. Kami nang bahala dito ng Dad nyo.” Sabi ni Mommy Fiya.

“Let’s go, Kels.” Pagyaya ni Zill sa’kin. Hanggang ngayon ay hindi nya parin pinapansin si Kier. Tumango nalang ako. Napatingin pa ako kay Zayne, pagtango lang din ang naging tugon nya. Marahil ay gusto nya ring pagaanin ang loob ng kakambal nya.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon