AROUND 6:00 PM...
Nagising ako dahil sa marahang tapik sa balikat ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata para makita kung sino ang taong tumatapik sa’kin.
Nung makita ko ang gwapong mukha ni Zayne na nakaupo sa gilid ng kama ay saka naman ako nagsalita.
“Nasa langit na ba ako?” Wala sa sariling tanong ko.
“What?” Kunot-noong tanong nya sabay pitik sa noo ko para mahimasmasan ako.
Napabalikwas naman ako ng upo dahil sa ginawa nya.
“Para saan naman yun?” Reklamong tanong ko.
“Tss! Let’s go to the children’s cabin. Dinner.” Parang tipid na sabi nya. Pagkatapos nun ay naglakad na sya palabas ng kwarto. Ginala ko naman ang tingin sa paligid. Nakita kong wala na ang iba at kaming dalawa nalang pala ang nahuhuli.
Inayos ko ang sarili bago umalis ng kama. Sinuklay ko muna gamit ng mga daliri ang buhok kong nagulo gawa ng pagtulog ko kanina.
Nung makita ko ang sariling mukhang tao na ulit tingnan ay nagpasya akong lumabas na ng kwarto.
Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko naman ang nakapamulsang anyo ni Zayne habang naghihintay.
Ang cool nya tingnan...
Inaakit na naman ako ng mga simpleng bagay na ginagawa nya. -.-
“Let’s go!” Pagyaya nya nung makita akong nakalabas na sa kwarto.
Pinulupot ko ulit ang kamay ko sa braso nya. Hindi naman sya nagreklamo. Dumiretso na kaming naglakad sa children’s cabin.
As usual, dahil wala pa si Zayne, maingay na naman sa loob. Pero hindi na masyadong katulad nung una na nagbabangayan. Ngayon naman ay nagtatawanan lamang ang mga ito.
Pagpasok namin ay hindi na masyadong natakot kay Zayne ang mga bata, pero ramdam mo yung paggalang nila dito. Binati pa nila ito nung makita kaming dalawa na pumasok.
“Good evening po, Brother Zayne. Nagustuhan po namin yung larong pinasa nyo. Sobrang saya po, sobrang challenging. Pinili namin yung easy mode. Pero mahirap parin po. Paturo ulit next time.” Sabi nung isang bata na batid ko ay hinahawakan nila sa team eggplant.
Nagpaalam na muna ako kay Zayne na pupuntahan ko na yung team cucumber na hinahawakan namin. Tumango naman siya.
Nakita ko ang salubong na kilay ni Zill habang pinapanood ang mga bata. Nandito kasi lahat ng mga bata. Hiwa-hiwalay lang ng table ang bawat teams, pero nandito silang lahat sa loob ng room.
“What’s wrong?” Tanong ko kay Zill.
“Look at your ex-bestfriend.” Utos nya sa’kin. Napatingin naman ako kay Rachel. Para bang hinahagod ang likod nito ni Jayden.
Ano kayang nangyari?
“Also...” Sambit ni Zill.
“Also?” Curious na tanong ko.
“Parang kulang tayo ng mga bata dito. I think, anim yata ang nawawala.” Sabi nya.
Pinagmasdan ko naman ang mga batang walang kamuwang-muwang at nag-eenjoy lang sa pagkain. Napansin ko ngang kulang ng anim gayong 50 dapat lahat ang mga bata, yun ang sabi sa’min ng OIC kaninang umaga.
“Baka nagbanyo lang.” Singit ni Reyleigh na kanina pa pala nakikinig sa pinag-uusapan namin.
“Well, maybe! Napapraning lang siguro ako. Haha.” Pagbibiro nalang ni Zill para mawala ang kung anumang masamang kutob.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomansSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...